Chapter 2

215 67 93
                                    

"Hija, gising!"

"Ano ba, ang ingay naman!" Naiinis kong sabi dahil naririnig ko sa paligid pero bigla akong napabalikwas ng maalala kong nasa bus station na pala ako.

"Nakatulog pala ako.." mahina kong tinapik ang pisnge ko habang pipikit-pikit pa pero nawala agad ang antok ko nang marinig ang pagtikhim ang taong nang gising sa'kin

"Nako naman manong, pasensya na nakatulog po ako. Hindi ko po kasi namalayan," nahihiya kong saad.

Lumabas ako ng tricycle upang mag pasalamat at para na rin ibaba ang aking mga bagahe pero napansin kong lahat ng iyon ay naka hilera na sa labas ng motor.

"Manong nag-abala pa kayo, sana ginising niyo nalang po ako. Nakakahiya naman po, maraming salamat po" kamot ulo kong payahag samantalang ang driver naman ay napa iling na lang at nag paalam nang aalis.

Hindi pa man din ako nakakapag inat ay may sumigaw na.

"MANILA, MANILA, MANILA... AALIS NA ANG BUS PAPUNTANG MANILA!"

Dali-dali kong binuhat ang gamit ko kahit na may kabigatan. Pinilit ko ding tinakbo ang kondoktor na nagtatawag sa huling pasahero.

"Hija, manila ka din ba?" Tinanong agad ako nito ng ako'y makalapit kaya tango na lamang ang aking naisagot

"Akin na ang bagahe mo ng maisilid na sa compartment. Dalhin mo na lang ang kailangan mong dalhin."

Bago niya kuhanin ang gamit ko ay kinuha ko muna ang isang maliit na baunan sa bagahe at mabilis nang pumasok sa loob upang mag hanap ng pwesto.

Halos mapuno na ang bus nang makapasok ako pero laking pasasalamat ko pa din dahil may isang pwesto pa sa dulo. Pang dalawang tao ang upuan kaya doon na lamang ako uupo. Sasakupin ko na lang ang isa pang upuan sa tabi.

Sa sobrang antok ay minarapat ko na lamang matulog sa byahe dahil panigurado ay malayo pa ang babyahihin ko.

"Shit!"

Tila naalipungatan ako ng marinig ko ang mura na 'yon.

"Hmm, bakit nagsasalita yung unan? ats'ka ang bango," sabi ko sa isip ko.

Dahil sa kalambutan ay mas lalo ko pang sinandal ang ulo ko dito at marahang yumakap.

"Anak naman ng kabayo." galit na bulong nito

Isang kalabit naman ang nakapag pagising ulit saglit sa'kin pero binaliwala ko na lang ito dahil na rin sa pagod at antok na aking nararamdaman.

"Hey! Miss, Wake up!" galit na bulong nito.

Dahil sa kaantukan ay hindi ko na alam kung kaninong boses ba 'yon. Wala pa naman siguro ako sa maynila kaya matutulog muna ulit ako kahit kaunti.

"Unti pa," bulong ko na para bang may kausap.

Sinilip ko saglit ang bintana sa'king tabi at nakita kong medyo makulimlim na pero kahit ganun ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapapikit at maglikot.

"Great, so fckng great. Anong karapatan niya para gawin akong unan?" rinig kong bulong nito.

Pero nilamon lang ako lalo ng antok ulit kahit na rinig na rinig ko pa ang huling sabi nito.

Mr Badboy Personal MaidWhere stories live. Discover now