Chapter 4

161 60 86
                                    

Ano ba 'tong lalaki na 'to napaka bastos. Hindi ba niya naiisip yung ginawa niya sa'kin.

"Oh, Diyos ko po Panginoon. Mapatawad niyo po sana ako lalo na 'tong manyakis na'to" kagat labi kong bulong.

Alam kong nadinig niya yun dahil lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Pwede ba nakakadiri na 'yang mukha mo kaya umayos ka. Isa pa, 'wag ka ngang umasta na hahalikan kita dahil hindi ako pumapatol sa mga kagaya mo."

Napatigil ako sa pagalaw nang marinig ko ang binulong n'ya at akmang magsasalita na sana ako nang mapansin ko yung mga lalaki kanina na papalapit na sa'min.

"T-teka nga nahihirapan ako, eh" sabi ko pero sinabayan ko na lang siya kaya kumandong ako lalo at yumakap sa kanya. Alam kong nagulat siya dun.

'psh, pasalamat ka tinutulungan kita kung hindi ay pinamigay na kita dun sa mga manong." sabi ko sa sarili ko.

Habang papalapit sila sa'min ay bigla naman pumasok ang isa pang lalaki na akala mo adik dahil sa dami ng hikaw sa mukha.

"Mukhang nakatakas na ata yung lokong 'yon. Wala dito, tara na, baka hinahanap na tayo ni boss. May araw rin sa'tin 'yun." Aya nito sa mga kasamahan. Napatigil naman ang mga lalaki sa paglapit samin dahil sa sinabi nya at sila'y bumaba na.

Hindi pa sila nakaka alis kaya hindi pa rin kami nagbabago nang pwesto pero nung narinig namin ang tunog ng mga sasakyan nila bigla naman akong tinulak ng hambog na 'to.

"ARAY KO! PWEDE BA, IKAW NA NGA LANG TINULUNG-!"singhal ko sa mukha nito. Napatigil ako ng mapansin ko na parang nagdurugo na naman ang kanyang balikat.

"Hoy, ok ka lang ba?" kabado kong tanong. Kahit na galit ay bakas pa rin naman sa'kin ang pag aalala dahil sa sitwasyon n'ya.

Tinignan niya pa ako ng matalim bago tumango. "Masakit lang balikat ko dahil may isang panget na sumandal sa'kin. Tss, tabi," Bigla na lang siyang tumayo ngunit pinigil ko ito at pinaupo muli.

"What the, ano ba? tumabi ka nga dyan!" naiinis niyang sigaw. Dahil mabait ako ay mas lalo pa akong humarang sa harapan niya.

"Pwede ba kahit saglit lang, itikom mo yang bibig mo kung hindi ay papasakan ko 'yan ng bimpo."

Dahil sa sinabi ko natahimik naman siya at pinanood na lang ako sa paghalukat sa maliit kong bag. Mabuti na lang at may mga gamot akong nakita.

"Tanggalin mo na 'yang jacket mo," sabi ko habang nilalabas ang panibagong tela na ipangbabalot ko sa sugat niya.

Naramdaman ko namang sumunod siya sa sinabi ko dahil hinagis niya lang naman ang jacket niya sa pagmumukha ko. Pasalamat ka at mabango ang amoy mo.

Tinitigan ko muna siya bago lumuhod dahil sa kangkaran niya. "Huwag malikot dahil gagamutin natin 'yan kung ayaw mong may Tren na lumabas d'yan." Pananakot ko sa kany. Mukhang epektibo naman dahil bigla na lang itong namutla.

Natawa naman ako dahil sa ang sungit sungit niya pero naniniwala siya sa mga ganon.

Habang ginagamot ko siya ay naramdaman ko naman ang pagtitig niya sa'kin kaya nagsalita ako dahil sa sobrang awkward ng paligid. "Bakit ka nga pala hinahabol ng mga 'yon? Siguro may ginawa kang kasalanan?" Pang aasar ko sa kanya ngunit natahimik naman ako ng bigla ako nitong sinipa sa paa.

"Aray naman!"

"Wala ka nang pake. Eh, Ano naman ngayon kung hinahabol ako ng mga 'yon?" Masungit na sabi nito. Nagsusungit na naman siya

"Parang nag tatanung lang kasungit mo talaga. May regla ka ba?" natatawa kong saad habang binabalutan ng tela ang braso niya.

"A-ano kamo?"

Nag angat naman ako ng tingin para tignan ang reaksyon niya at gusto kong humalagapak ng tawa dahil sa namumula na ang buong mukha niya.

"Walaaa! Oh, tapos na huwag mo na lang galaw- galawin at baka magdugo. Hindi na tren lalabas d'yan kung hindi ay eroplano na," natatawa kong saad bago tumayo at nagligpit na. Hindi ko mapigilan ang asarin siya dahil napansin ko na mas lalo pa siyang kinakain ng takot nito.

'Lalaki ba 'to? bakit takot na takot. eh, hindi naman totoo' sabi ko sa aking isip.

Habang nag aayos ng gamit ay saktong nag sidatingan ang mga pasahero at ang driver kaya naisipan ko na rin na umupo agad.

"MAY NAIWAN PA BA?! AALIS NA ANG BUS!!" sigaw ng kondoktor nang makapasok ang lahat ng pasahero.

Napatitig na lang ulit ako sa bintana dahil wala na din namang kibo yung katabi ko. Malalim na pagbuntong hininga muna ang nilabas ko habang nag iisip nang bigla naman akong kinalabit ng katabi ko.

"Oh?" mataray kong sabi ng hindi siya nililingon.

"M-may pagkain ka ba?" tila nahihiya nitong sabi. Mabilis ko naman siyang tinignan pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko ito.

'A..Ang cute niya.' kilig kong ani sa sarili ko

"Gutom ka na?" Mataray ko pa ring saad.

"B..baka iniisip mo--" Hindi ko na siya pinatapos ng iabot ko sa kanya ang tinapay na nadukot ko sa bag.

"Ayan, kainin mo. Pasensya na, wala kasi akong tubig dahil hindi mo 'ko pinababa kanina."

Tinitigan niya ang inabot kong skyflakes at tila nahihiya pang kuhanin kaya kinuha ko ang kamay nito at nilahad ko dito ang pagkain.

"'Nahiya ka pa," panukso ko bago sumandal sa bintana ng makaramdam ulit ng antok.

"H-Hoy! papalitan ko rin," mahinang sigaw niya. Medyo nainis ako kasi inaantok talaga ako.

"Pwede ba nakasigaw ka nang nakasigaw, hinaan mo boses mo, okay? Matutulog ako." hindi ko na naiwasan ang tarayan talaga ito dahil na rin sa antok na antok na talaga ako kaya pumikit na akong muli.

"Salamat, Panget."

Napangiti naman ako kahit na kalait-lait pa rin ang sinabi niya at tuluyan na nga akong hinila ng pagod.

Pete's POV:

Tinitigan ko naman siya habang kumakain. Hindi ko alam pero may part sa'kin na nagu-guilty ako dahil sa inasta ko kanina. I don't know why, but she's interesting tho. Ang bait pala niya kaso ang panget niya lang talaga.

Hindi ko namalayang naubos ko na ang tinapay na bigay niya at nakakaramdam na ako ng uhaw.

Sinipat ko naman ang relo ko at napagtanto kong mag a-alas sinco na pala ng hapon. Kailangan ko nang makauwi at baka patayin pa ako ni mommy.

Kinuha mo naman ang jacket ko pero napansin kong tila nilalamig yung katabi ko kaya pinatong ko na lang sa kanya 'yon bago ko tinawag ang kondoktor.

"Sir, pwede po ba ako makitawag? Emergency"

"Nako, bilisan mo, ha." sabi nito at nag labas ng cellphone. Mabuti na lang at touchscreen dahil hindi ako sanay sa didutdot.

Tinawagan ko naman ang tropa ko dahil hindi ako maaring tumawag sa bahay. Sinigurado kong hindi ako naka loudspeaker para iwas gulo na din.

Dialing +09**********

"David."

"Ugh y-yes par--"

Napahilot naman ako sa sentido ng marinig ko ang ungol nito.

"David, sunduin mo ako sa Starbucks. Dito sa Ayala." Madiin kong sagot bago ko siya binabaan. Inabot ko naman ang phone sa kundoktor na katabi ko bago tumayo.

"Salamat, Sa may tapat lang ako ng Starbucks. Sa Ayala." Sabi ko habang naglalakad na sa bungad tutal wala namang naka upo sa harapan. Kumuha muna ako ng pambayad.

"Gisingin mo na 'yang kasama mo at malapit na rin pala., sabi niya habang nag bubutas ng papel tinitigan ko naman yung babae kanina. Nakanganga na ngayon 'to matulog habang yakap-yakap yung jacket ko.

"Sorry, pero hindi ko siya kilala but babayaran ko ang pamasahe niya, and by the way pakigising na lang yan sa terminal mamaya. Ingat lamg at baka masapak ka." Nilingon ko ulit nang isang beses ang babae at sakto namang huminto na rin ang bus.

Bago bumaba ay sumulyap pa ako ng huling beses at nakangiting naglalakad papalayo.

To be continue...

Mr Badboy Personal MaidWhere stories live. Discover now