Ang Simula

19.8K 415 37
                                    

Warning:  Some of the chapters have mature contents that aren't suitable for young readers. Read at your own risk.

Ang Simula

[ Cassidy's point of view ]

Sobrang lamig ng paligid, ang mga hangin ay tila yelo na dumidikit sa katawan ko. Kahit makapal ang suot suot kong kasuotan ay ramdam ko pa din ang grabeng paninibago ng katawan ko sa klima ng panahon dito.

Ngunit nasaan nga ba ako? Hindi ako makapaniwala na ang isang dukhang kagaya ko ay makakarating sa amerika bilang nag iisang babaeng anak ni Emily Chavilire at Xander Chavilire.

Sila ang mga mabuting tao na umampon sa akin.

"Anak, pasok ka." napangiti ako kay Mommy nang hawakan niya ako sa kamay habang papasok kami sa malaki nilang mansyon dito sa amerika.

"Maganda sa lugar na 'to Cassey, halos lahat ng pinsan mo ay dito nakatira maging ang kuya Alessandro mo kaya naman alam kong masasanay ka din dito."

Sa mga pinsan na sinabi ni Mommy ay kahit isa wala akong kilala, maliban na lamang kela Hercules at iba pa na nakasama ko sa hacienda sa pilipinas.

Maging ang nag iisang tunay na anak nila na lalaki na si Kuya Alessandro ay hindi ko pa nakikita.

Iniisip ko kung ano ba ang itsura niya? Kung ano ba ang ugali niya.

Pero sa ugali nila Mommy at Daddy ay alam kong mabait din siya, alam kong ituturing niya akong nakakabatang kapatid at ngayon na makikilala ko na siya ay mabubuo na ang pamilya na dati ay pinapangarap ko lang.

"Mommy gusto ko na po makilala si Kuya." nakangiti kong sabi sakanya. Hinaplos naman ni Mommy ang pisngi ko bago nag tawag ng kasambahay.

"Nasaan si Alessandro?" tanong ni Mommy sa kasambahay. Mabuti na lang ay sinabi ni Mommy na halos lahat ng nagtatrabaho dito ay pilipino, kahit papaano ay hindi ko gagamitin ang wikang engles.

Sa totoo kasi niyan ay hindi ako magaling mag salita ng engles, konti lamang ang alam ko dun kaya isang malaking pagsubok para sakin na tumira dito sa amerika.

"Nasa kwarto niya ho Madam."

"Pakitawag siya, sabihin mo ay nandito na 'ko kasama ang kapatid niya." mabilis na sinunod ng kasambahay ang utos ni Mommy.

Ang iba namang kasambahay ay kinuha ang mga maleta na dala namin para siguro dalhin sa mga kwarto.

Tahimik lamang akong nakaupo habang tinitignan ang kabuuan ng bahay. Kagaya ng mansyon sa hacienda ay sobrang ganda din dito at halos lahat ng kagamitan ay mamahalin na sadyang nakakatakot hawakan.

Mula sa pag tingin sa paligid ay hindi ko maiwasan matigilan ng makarinig ng isang pababang bagay. Nilingon ko yun at banda pala sa tabi ng hagdanan ay merong elevator na kinamangha ko.

Nawala lang dun ang aking tingin nang tumayo si Mommy at naglakad palapit dun.

"Alessandro anak!" agad din akong tumayo at sumunod sa kanya. Nang makalapit ako ay hindi ko maiwasan matigilan habang ang mata ko ay nakatutok kay Kuya Alessandro.

Sobrang gwapo nito, halata ang pagkamatured ng kanyang katawan. Hindi lang sa mukha niya ako natigilan dahil ng ibaba ko ang aking mata ay nakita kong nakaupo siya sa wheelchair.

His Selfish Desires (Chavilire Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon