Kabanata 2

11K 328 35
                                    

Kabanata 2

[ Cassidy's point of view ]

Hindi ko alam kung ilang linggo na ba ako nasa america, ang masasabi ko lang ay sobrang ganda sa lugar na 'to.

Napakalamig ng klima ng panahon at talaga namang masaya ako sa tuwing kasama ko si Bettina at Carmilla. Madami na kaming napuntahan na famous tourist spot dito sa america.

Mga lugar na dati ay nakikita ko lang sa picture. "Young Madam, you look very pretty." hindi ko maiwasan matigilan habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.

Kulot kulot ang aking buhok samantalang may light make-up na nakalagay sa mukha ko. Nakasuot ako ng long sleeve dress at may kapartner yung doll shoes since hindi ako sanay mag suot ng heels.

"Hope you have a happy day today, young madam." tinignan ko ang amerikana na siyang kumakausap sakin. Siya si Jessie, siya ang stylish na hinire ni Mommy para sakin.

Bago ako pumasok sa school ay siya ang mag aayos at mag dedesisyon ng mga susootin ko at sobrang galing niya. Ang ganda ko tignan maging ang dress ko ay bagay na bagay sakin.

"Thankyou Jessie." pasasalamat ko, ngayon pa lang ako nakaranas mag karoon ng stylish. Binigay sakin ni Jessie ang kulay puting bag kaya naman ng matapos na 'ko sa pag aayos ay bumaba na 'ko.

Sa mga linggo din pala na nanatili ako dito ay hindi ko na din nakikita si Kuya Alessandro, lagi lang siyang nakakulong sa kwarto niya. Nagkikita lamang kami kapag sabay kaming kumakain sa hapag pero kasi minsan lang din niya ako sabayan.

Hindi ko tuloy maiwasan maisip na parang ang lungkot ng buhay niya, ayaw niyang makipag usap sa mga tao at lagi lang siyang nakakulong sa kwarto niya.

Sumakay na 'ko sa sasakyan papunta sa school. Hindi ko kasabay sI Bettina at Carmilla dahil iba ang schedule nila.

Nasa 5th grade palang sila habang ako ay sa highschool na. Mabilis akong tinubuan ng kaba ng mapansin na tumigil na ang sinasakyan kong kotse matapos ng mga minutong lumipas.

"Young Madam, we are here." sabi ni Kuyang driver na amerikano bago ako pinag buksan ng pintuan.

"Am I going there alone?" mahina kong tanong, tinignan ko ang napakalaking school na nasa harapan ko. Sobrang daming kotse na tumitigil sa harap din nun.

May mga bumababang studyante na kagaya ko, hindi naman talaga ako kabado pag dating sa first day of school pero kasi hindi naman ito pilipinas. Mga amerikano din sila at kahit hindi na 'ko ganoon katanga mag english natatakot pa din ako.

"Do you want me to accompany you Young Madam?" tinignan ko si Kuyang driver bago tumingin ulit sa ibang studyante na pumapasok mag isa sa gate ng eskwelahan.

Napangiti ako ng maliit bago umiling "No need, thankyou." yumuko lang siya sakin. Umalis na 'ko sa harapan niya bago naglakad papasok sa school.

Habang naglalakad ako ay nililibot ko ang aking tingin. Sobrang laki ng school na 'to at sobrang dami din studyante na kagaya ko.

Tinignan ko sila, lahat sila may sari-sariling grupo at nag tatawanan. Medyo bumagal tuloy ang lakad ko dahil iniisip ko pa kung kanino ako mag tatanong, nahihiya ako ng sobra.

His Selfish Desires (Chavilire Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon