Kabanata 27

7.4K 196 115
                                    

Kabanata 27

[ Cassidy's point of view ]

Sobrang sakit ng mga mata ko pag dilat pa lang nito. Napatingin ako sa veranda kaya naman bumungad agad sakin ang maliwanag na sinag ng araw sa labas.

Mabilis akong gumalaw sa kinahihigaan ngunit natigilan din agad matapos maramdaman ang mabigat na braso ni Alessandro na siyang nakapatong dito.

Mahirap man ngunit pinilit kong humarap sa pwesto niya para matignan ang mukha niya.

Nakapikit pa rin ang mga mata niya, mahimbing ang tulog niya habang halata sa kanyang mukha ang labis na pagod. Dahil doon ay mabilis na bumalik ang sakit sa puso ko ng maalala kung bakit siya ganito kapagod.

Gusto ko man hilingin o isipin na sana ay isang masamang panaginip na lamang ang nakita ko kagabi ngunit hindi ko magawa. Malinaw na malinaw na hindi 'yun panaginip kundi isang nakakatakot na reyalidad.

Habang umiiyak sa pag hihinagpis kagabi ay hinantay ko pa siya. Ang nakakatawa ay maliwanag na ng bumalik siya sa kwarto namin. Nahiga pa siya sa tabi ko na para bang wala siyang ginawang kasalanan, na para bang hindi niya ako niloko.

Ang sakit ng puso ko, para itong nagdudugo habang pinagmamasdan ko ang mukha niya ngayon. Mabilis akong napapunas ng luha nang gumalaw siya sa harap ko.

Hindi ko na din siya natalikuran pa dahil nag mulat na din siya agad ng mata niya. Ngumiti siya sakin "Good morning sweetheart." malambing niyang saad bago ako hinalikan sa labi.

Mabilis ko namang pinunasan yun dahil sa pandidiri. Matapos niyang halikan ang malanding babaeng yun, matapos siyang magpakasasa sa hipokritang yun ay aarte siya na para bang wala siyang ginawang kasalanan sakin?

Lalo niya akong niyakap, nanatili pa din akong nakatingin sa kanya at habang ginagawa ko yun ay hindi ko mapigilang mapansin ang pamumutla ng balat niya.

"T-tatayo na 'ko." sabi ko bago ako humiwalay sa kanya, hindi siya gumalaw sa kinahihigaan niya. Nanatili siyang nakahiga at nakapikit.

Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na 'ko sa banyo. Hawak hawak ko ang toothbrush ay nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Mabilis kong hinawakan ang pangit kong mukha bago ako sunod sunod na naluha.

Dahil ba dito? Dahil ba sa nakakadiring mukhang ito kaya niya ako niloko? Kaya niya nagawang makipag sex kay Georgina na hindi man lang nag dadalawang isip!?

Hindi ko maiwasan mapakuyom ng kamao at humikbi.

Ang sakit, ang sakit sakit talaga ng puso ko. Pinilit ko lang umarte sa harapan niya, pilit ko lang itinago ang tunay kong nararamdaman. Gusto ko mag wala, gusto ko silang saktan dalawa hanggang sa maramdaman nila ang nararamdaman ko ngayon.

Kinagat ko nang madiin ang labi ko, hindi ko mabilang kung ilang beses ako huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili at ng kumalma na 'ko ay pinagpatuloy ko ang ginagawa.

Lumabas na 'ko ulit ng cr at tumingin pa 'ko sa kama dahil wala na dun si Alessandro. Muli ko na namang naisip na baka nasa silid siya ni Georgina.

Galit kong binuksan ang pintuan, akma akong susugod sa kwarto ni Georgina ngunit ng mapadaan ako sa hagdanan ay nakita ko na agad siya sa pintuan na tila may kinakawayan.

His Selfish Desires (Chavilire Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon