Kabanata 46

20.4K 538 280
                                    

Kabanata 46

[ Narrator's point of view ]

Malawak ang pagkakangisi ni Georgina habang siya ay nakatingin sa kanyang cellphone. Tinitignan niya ang picture na sinend niya sa account ni Alessandro, malawak ang pagkakangiti niya dahil nakita na nito ang litrato na pinadala niya.

"Haah..." huminga siya nang malalim bago sumandal sa upuang inuupuan niya. Bahagya siyang nakatingala, nakapikit ang mata habang may malaking ngiti sa labi niya. 

She imagine Cassidy's crying into death, she imagines her pitiful expression she will make after seeing the condition of her daughter. 

For Georgina, the woman deserves to suffer like that, she deserves to be hurt so much as compensation for taking away the man Georgina loves, the life that Cassidy took from her.

Kung hindi dahil dito ay siya lang ang mamahalin ni Alessandro, kundi dahil dito ay hindi sana niya kailangan mag makaawa kay Alessandro na muli siyang mahalin dahil kung hindi ito inagaw ni Cassidy sa kanya, siya at siya lang ang mamahalin ni Alessandro.

Dinilat muli ni Georgina ang kanyang mga mata, tumingin siya muli sa cellphone niya. Bigla ay napailing siya, hindi sapat na sa isip lang niya nakikita ang pagdurusa ni Cassidy, kailangan niya 'yun masaksihan mismo gamit ang mata niya. 

Kung hindi nito nagawang mag react sa picture na sinend niya, panigurado naman ay mag rereact na 'to kung video ni Sasha na pinapahirapan niya na ang makikita nito. 

"I guess, I will start torturing that child now." nakangiting saad ni Georgina bago tumayo. Kasalukuyan siyang nakaupo sa eleganteng sofa na malapit sa nakabukas na veranda. 

Ang pagtayo ni Georgina sa upuan ay siya naman kasabay ng pag putok ng baril na nanggagaling sa labas. Mabilis na natigilan si Georgina, ang kanyang ngiti ay mabilis na nabura at napalitan ng taranta.

"W-what i-is that?" 'di niya maiwasan kabahan, tumingin siya sa balcony niya na bukas at pag labas niya doon, nakita niya si Hayden sa gilid niya na nasa sarili nitong balcony na malayo ang pwesto sa balcony niya. 

"Griffin!" sigaw nito bago muling paputukin ang baril na hawak nito sa ikalawang pagkakataon. 

Hawak hawak ang dalawang tenga at nanginginig ay tinignan ni Georgina kung saan nakatutok ang pumutok na baril nito. 

Halos mabuwal siya sa pagkakatayo matapos makita ang anak niya na nakasalampak sa lupa at duguan, sa harap nito ay naroroon ang umiiyak na si Sasha. 

"G-griffin..." bulong niya bago siya napahawak sa kanyang bibig at dahan dahan napaatras. Ramdam ngayon ni Georgina ang malakas na tibok ng kanyang puso, sa sobrang lakas nun ay tila napakabigat na ng kanyang dibdib.

Ito lang ang unang beses na naramdaman ni Georgina ito, ito lang ang unang beses na natakot siya ng ganito. 

Hindi alam ni Georgina ang nangyari, natagpuan niya na lang ang sarili niya na mabilis tumatakbo palabas sa mansion "Call a doctor immediately!" sigaw niya sa bawat tauhan na nakikita niya. 

Hawak hawak niya ang dibdib niya, lalo 'yun lumalala habang papalapit siya nang papalapit sa kinaroroonan ng anak niya. She doesn't know what was happening, she couldn't ask Hayden because what was on Georgina's mind right now was her son who's lying down outside the mansion.

 "B-big b-brother..N-no, o-open y-your eyes!" iyak ni Sasha, nanginginig niyang hinawakan si Griffin sa likod nito. 

Ang maliit niyang kamay ay hinawakan ang dumudugo nitong sugat sa likod na para bang magagawa nun pigilan ang pagtagas ng maraming dugo doon "B-brother I-i'll help y-you stop t-the b-blood s-so o-open your e-eyes p-please.." sabi ni Sasha na punong puno ng luha ang mata. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Selfish Desires (Chavilire Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon