Kabanata 6

10.6K 302 95
                                    

Kabanata 6

[ Cassidy's point of view ]

Nanatili akong gulat na nakatitig sa picture na hawak hawak ko. Bukod sa napakalaki ng ngiti ni Kuya dito ay hindi ko din kilala kung sino ang babaeng kayakap yakap niya.

Wala man akong ideya sa utak ko, ang una namang pumasok doon ay baka nobya niya ang babaeng ito.

Ngunit ang tanong, bakit sa tagal tagal ko sa mansyon na 'to ay hindi ko man lang siya nakitang pumunta para dalawin si Kuya?

Kunot noo ko 'tong binaba sa kanyang table. Madami pa talaga akong hindi alam sa bahay na 'to lalo na kay Kuya Alessandro.

Matapos ibalik ang mga pinagkainan sa baba ay napupuno pa din ng mga tanong ang utak ko patungkol sa litratong nakita kaya naman ng magpunta si Mira sa kwarto ko ay mabilis ko siyang tinanong tungkol doon.

"Mira may nobya ba si Kuya Alessandro?" mula sa pag linis ng kwarto ko ay tinignan niya ako habang kunot ang kanyang noo.

"Nobya? Wala ata? Wala naman kasi akong nakikita na may kasama ang Senyorito na babae dito sa mansyon."

"Ilang taon kana bang nagtatrabaho dito?"

"Isang taon pa lang." natigilan ako, bago palang pala si Mira dito sa bahay. Maaring ang ibang katulong ay may alam tungkol sa gusto kong malaman.

Nag isip ako kung kaninong katulong ako maaring mag tanong hanggang sa naisip ko si Nay Norma. Tama! Siya ang mayordoma dito sa mansyon kaya tingin ko ay matagal na siyang nagtatrabaho dito.

Kaya naman ng ako ay may punta ulit sa kusina ay nilapitan ko na siya agad. "Nay Norma, may girlfriend po ba si Kuya Alessandro?" mula sa pag lilinis ng lamesa ay napahinto siya saglit.

"Wala Senyorita." malamig at ilap niyang sagot. Dahil sa kakaiba niyang pananalita na yun ay hindi ko naman maiwasan mag duda.

"Pero may nakita akong babae na kayakap niya sa isang picture, alam kong nobya niya yun kaya gusto ko lang malaman kung sino siya?" pangungulit ko pa.

"Senyorita, kapatid mo man si Senyorito Alessandro ay kailangan mo pa din limitahan ang sarili mo sa mga bagay bagay na wala namang kinalaman sayo." nakahinto ay nanatili ang aking mata kay Nay Norma.

"Masama po bang dahilan na gusto ko lang mapalapit sa Kuya ko?" dahan dahan kong usal.

Sa pagkakataong ito ay tinigilan na niya ang kanyang ginagawang pagpunas sa lamesa. Hindi ko pa maiwasan magitla dahil ng tignan niya ako ay parang may kakaiba sa mga mata niya.

Parang nag babanta "Senyorita Cassidy, tingin ko ay dapat mo nang itigil ang ginagawa mong pagpasok sa buhay ng Senyorito. Dapat mo nang itigil ang pakikipaglapit sa kanya, madami ka pang hindi alam at hindi ko nais na magsisi ka sa huli kung sakaling mangyayari nga ang aking inaalala."

Mabilis akong natulala, habang nakatingin si Nay Norma ay napapailing pa siya sakin bago ako iniwan ulit.

Ano bang hindi ko alam? Bakit ko kailangan itigil ang pakikipaglapit kay Kuya?

Laging sinasabi ni Nay Norma sakin ang bagay na yun, sa uri pa ng kanyang pananalita ay para bang may kahindik hindik na sekretong tinatago ang Kuya ko.

His Selfish Desires (Chavilire Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon