Prologue

42.6K 619 44
                                    


Prologue





"OMG! Ang gwapo niya talaga! Anaia, tingnan mo oh." Hinatak ako nito bigla paharap sa TV na nandirito sa Coffee Shop kung saan ako nagtatrabaho.



"Ano ba 'yan?" kunot noo kong tanong nang makita ang mga nagkakagulong press at mga taong tumitili.



"Ito naman oh. Tingnan mo kayang mabuti nang makita mo asawa ko."



"Asawa? Boyfriend nga wa-"



"Pasmado bibig mo, 'te. Tingnan mo na lang kasi dami mong sinasabi eh. Kita mo iyang lalakeng pinagkakaguluhan ng media? Si Kheious 'yan. Hindi mo ba siya kilala?"



Napalunok ako nang ma-recognize ang mukha nito. Hindi ako kaagad nakaimik at nanatiling nakatingin lang sa screen dahil sa pagragasa ng mga alaala. Ang layo na talaga ng narating niya.



"Natulala ka na d'yan, Ate Girl? Crush mo na kaagad? Hoy 'wag ah. Asawa ko na 'yan. Hanap ka na lang ng ibang bias mo. Pinakita ko lang hindi ko sinabing angkinin mo."



"Wala naman akong sinabing aangkinin ko."



"Sus naninigurado lang ako. So ano 'di mo talaga kilala? Sobrang famous kaya niyan."



"H-Hindi," sagot ko at nagpunta na sa kusina upang hindi na niya ako tanungin nang tanungin.



Ayokong magsinungaling pero iyon ang dapat. Wala na rin namang sense kahit sabihin ko ang totoo. I'm not even comfortable talking about him after all... after everything that happened between us. Mabuti na lang din at nagdatingan na ang mga customers. Naging abala na kami pareho kaya hindi na ako nakulit pa ni Brea.

















"Sa wakas, uwian na." Itinaas nito ang mga braso at humikab.



"Ang daming customers buti kinaya natin kahit tayong dalawa lang."



"Oo nga eh. Tapos ang sungit pa nung isang customer. Akala mo naman ang ganda-ganda."



"Sino?"



"Hindi ko alam pangalan basta ang arte. Huwag na lang natin pag-usapan. Iinit lang ulo ko."



"I have to go na, Brea."



"Sige na umuwi ka na. Baka umiiyak na iyong anak mo roon wala pa namang nag-aalaga."



"Nandoon si Syn."



"Nakauwi na pala iyong bruhang iyon?"



"Oo, dumating siya kaninang madaling araw." Tumawa ako at isinakbit na sa balikat ang strap ng bag.



"Gagang 'yon ni hindi man lang ako sinabihan. So ano kumusta siya? Nakabingwit na ba ng afam?"



"Work pinuntahan niya roon, 'te, hindi landi."



"Kasama na 'yon, 'no. Hmm, since napag-usapan na rin naman ang tungkol d'yan, kung humanap ka na rin kaya ng bagong boyfriend."



"Hindi hinahanap 'yan. Kusa iyang dumarating sa tamang panahon."



"Marami namang dumarating pero ini-snob mo. Si Gelo ang tagal na nung nanliligaw sa 'yo ah. Hanggang ngayon 'di pa rin umuusad status n'yo."



"I told him in the first place na hindi ako nagpapaligaw at wala akong planong pumasok sa relasyon. Anak ko priority ko sa ngayon at sa mga susunod pang mga taon."



Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon