Chapter 2

15.1K 308 26
                                    



Chapter 2





Napaawang na lang ang bibig ko habang nakatingin sa likidong bumasa sa aking balikat. Hindi ako nakagalaw kaagad dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na tumutulo na ang laway niya sa damit ko. 



Gusto ko siyang alisin sa balikat ko pero nagwo-worry naman ako na magising siya. Ayaw ko na magising siya at makita ito dahil ayoko naman na mapahiya siya dahil dito. Hindi naman ako maarteng tao pero nag-aalala ako para sa suot ko ngayong damit pantrabaho. Baka basa na rin iyon ng laway. Jusko po huwag naman sana. 



Maingat kong tinuyo ng tissue ang parteng bibig niya. Inilabas ko ang panyo sa bag at itinakip iyon sa mukha ng babae upang hindi makita ng ibang commuters na naglalaway itong matulog. Tangina, hindi ko alam kung paano ko gagawan ng paraan itong uniform ko. Bahala na. 




























[Anaia's POV]





Naalimpungatan ako nang marinig ang mga yabag ng paa. Inalis ko ang kung anong nakatakip sa mukha ko. Panyo? Kanino galing ito? Kinusot ko ang mata ko at nakita ang mga taong bumababa ng train. Pauunahin ko na lang muna sila dahil ayokong makipagsiksikan. 



Hinawakan ko ang pisnge ko nang maramdaman na may kung anong nakadikit doon. Hindi nga ako nagkamali dahil mayroon. Nang tingnan ko ang sarili sa screen ng phone ko ay nakita ko ang tissue na naka-tape doon pa upang hindi mahulog. Kumunot ang noo ko.



"S-Sino may gawa nito? Bakit may ganito ako?" nakatulala kong tanong sa sarili. 



Kahit anong isip ay wala akong maisip kung sino ang may gawa nito at saan ko nakuha ito. Sinakbit ko na ang bag at bumaba na ng train na puno ng katanungan. Pagtapak ko sa labas ng train ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ma-realize ang isang bagay. Kinapa kong muli iyon at napaawang ang bibig nang maramdaman na mamasa-masa iyon. 



"No, this can't be. H-Hindi pwede. Hindi!" 



Luminga-linga ako sa paligid at doon ko lang napagtanto na nakatingin na sa akin ang ilang nandito. Ang iba sa kanila ay pinagbubulungan pa ako.



"Baliw na yata iyan."



"Sino ba 'yan?"



"Ewan ko nagsasalita na lang bigla mag-isa."



"May sira yata sa ulo." 



"Hindi ako baliw, okay? Hindi! Mga epal kayo. 'Di n'yo ba alam iyong self-talk? Mga bwisit!" singhal ko at nag-marcha na palayo.











































"Anyare sa 'yo, 'te? Bakit parang stress na stress ka yata? Saka ano 'yang nasa pisnge mo? Bandage ba 'yan?"



"H-Hindi. Tissue lang." May pagmamadali kong isinuot ang apron.



"Eh bakit ka may tissue?" 



"Iyon nga eh hindi ko rin alam. Basta ang natatandaan ko lang sumakay ako ng train tapos nakatulog. Paggising ko may ganito na ako sa mukha. Kinapa ko wala naman akong sugat pero medyo mamasa-masa siya. Naisip ko nga paano kaya kung may ganito ako kasi... nilaway ako pagtulog?"



"OMG ka, sis! Hindi imposible."



"Ito naman paniwala kaagad. Malay mo naman may nan-trip lang tapos gusto lang ako lagyan ng tissue."




Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon