Chapter 31

12.9K 257 25
                                    



Chapter 31




"Kheious..."




Ilang minuto na ang nakalipas ngunit ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. 



"Hmm?" tugon nito habang nakasubsob pa rin sa balikat ko.



"U-Uuwi kami."



Pinihit niya ako paharap at mabilis na kinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad.



"Please?" pakiusap nito habang nakatitig sa akin ang nangungusap niyang mga mata.



Sa huli ay pumayag ako na roon matulog. Hindi ko alam kung dahil naaawa ako sa kaniya o dahil marupok lang talaga ako at gusto lang din siyang makasama. Isa lang ang natitiyak ko, pinili ko ito kasi ito ang gusto ng puso ko. 



Dumistansya ako sa kaniya at sinubukang ibalik ang atensyon sa ginagawa. Sakto naman na may tumawag sa kaniya kaya nalihis din sa akin ang atensyon niya.



"Mommy." Lumapit sa akin ang anak kong kagigising.




Inaantok nitong kinusot ang mata at tiningnan ang ginagawa ko.



"Mommy, is that a coffee?"



"Yes, baby. Do you want some?" He nodded his head, still sleepy. "Pero bawal pa sa 'yo coffee eh. Gusto mo ipagtimpla na lang kita ng gatas."



"Yes, please." Inilahad nito ang kamay. "Mommy, tablet."



"Kagigising mo lang gadget agad?"



"I just wanna show my points to daddy. Please, Mommy, please?"



"Please?"



Biglang rumehistro sa isipan ko ang imahe ni Kheious noong nakikiusap ito kanina.



"Nasa drawer, sa tabi ng kama ng daddy mo."



"Yes!" Excited itong naglakad pabalik doon.



"Mag-ama nga," naiiling kong sambit.



Kinuha ko ang gatas upang ipagtimpla si Khoein. Nakaupo ito sa sofa katabi ang ama. Hawak nito ang iPad at hindi abot ang paa sa sahig. May pinapakita siya kay Kheious. Ang cute nilang tingnan lalo pa't terno sila ng pantulog. Narinig ko ang nakakakiliting tawa ng anak ko nang lumapit ako upang dalhin ang gatas.



"Galing ko, Daddy."



"Um." Ginulo ni Kheious ang buhok ng anak namin.


"Ikaw din, Daddy, try mo."



"Khoein, baby, inom ka na muna ng milk mo."



"Thank you po, Mommy." Hinawakan niya iyon ng dalawang kamay. "Careful, mainit." Inabutan ko rin si Kheious. "Kape mo."



"Salamat."



Bumalik na ako sa kusina upang doon uminom sa countertop. Ka-chat ko rin kasi si Syn. Nanghihingi lang siya ng update— or should I say chika sa mga nangyayari. Nalibang na rin ako sa panunuod ng video sa cellphone kaya hindi ko na napansin ang oras.



Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon