Chapter 14

7.4K 164 4
                                    


Chapter 14





"Wait, tama ba iyong narinig ko?"



"Yes, fan na fan talaga kami ng boyfriend mo. Dito pa lang siya sa campus nagpe-perform pero crush na crush na namin siya— oh sorry I mean crush na you know hinahangaan namin siya as an idol. And since girlfriend ka niya baka naman pwede mo akong ihingi ng video ng birthday greetings. Magbi-birthday na kasi ako next week." Nag-pretty eyes pa siya sa harapan ko.



"I-Iyon lang pala. Sige ihihingi kita."



"Waahh! Narinig n'yo ba iyon mga, sissy?"



"Magkaka-video greeting ka na, sis!"



"Thank you in advance, Anaia. You don't know how happy we are right now. Sobrang fan lang talaga kami. Actually plano nga namin bumuo ng fan base na magkakaibigan. Dito kami sa campus mag-start."



"Wow. Matutuwa si Kheious kapag narinig niya."



"Sana! Oh by the way, itsmezoe ang name ko sa IG. Pa-send na lang. Thank you."



Nilampasan na ako niyong tatlo pero tulala pa rin ako dahil sa mga sinabi nila. Unti-unti akong napangiti dahil doon. Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong nakaka-appreciate at humahanga sa taong mahal mo. Siguradong matutuwa si Kheious kapag kinuwento ko ito.



Bago umuwi ay dumaan muna ako sa karenderya malapit lang sa amin upang bumili ng lutong ulam. Ako lang naman ang kakain kaya tinatamad akong magluto. Pagdating sa bahay ay bigla akong nanlamig nang makitang hindi naka-lock ang gate.



"Baka nakalimutan ko lang sa pagmamadali kanina," pangungumbinsi ko sa sarili.



Maingat akong naglakad papasok sa loob upang kung sakaling may masamang loob ay madali akong makakapagtago. Naglaho ang takot na iyon nang makita ko si Kheious na nakaupo sa aming sofa at may kausap sa laptop. Lalapitan ko na sana pero natigilan ako nang marinig ang usapan nila.



"Nagpapakahirap ako rito sa abroad tapos ibabagsak mo lang iyong subject mo?"



"Pasensya na, Ma. Pero alam n'yo naman na mahirap ang nursing."



"Maayos ka naman noong mga unang taon mo sa kolehiyo, anong nangyari sa 'yo?"



"Alam n'yo rin naman po na hindi ko gusto ang nursing, 'di ba?"



"Kaya binagsak mo!"



"Hindi naman po sa ganoon, Ma."



"Tingin mo ba, Kheious, hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo d'yan? Na nagti-training ka para sa pesteng agency na iyan?"



"Ma, alam n'yo naman po na iyon ang gusto ko, 'di ba?"



"Diyos ko naman, Kheious! Ipagpapalit mo pa iyang pangarap mo na walang kasiguraduhan para sa pagna-nursing. Kapag naka-graduate ka susunod ka sa akin dito sa Canada. Dito madali kitang matutulungan. Sigurado ng may trabaho ka sa oras na makatapos ka sa kolehiyo. Tapos ano? Masisira lang ng dahil d'yan sa kahibangan mo."



"Ma, naman."



"Kapag hindi mo pa itinigil ang pagsasayaw na iyan wala ka ng suportang aasahan mula sa akin. Ayusin mo buhay mo, Kheious. Hindi ako natutuwa."



Natahimik ang buong paligid matapos ang tawag. Bagsak ang balikat niya at napasubsob na lang sa palad. Kaagad ko naman siyang tinabihan para aluhin. Narinig ko ang tahimik niyang pag-iyak na nagpabigat lalo sa nararamdaman ko.



Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon