Chapter 19

8.6K 186 10
                                    


Chapter 19




"Hindi naman sa ganoon. Sadyang hindi ko lang sila kasundo kaya mas pinili ko na huwag ka ng iharap sa kanila."

"Pero hindi pa rin nila ako gusto," malungkot nitong sambit.

Hinawakan ko ang mukha niya at iginiya siya paharap sa akin.

"Hindi natin sila kailangan."

"Baka iwan mo ako."

"Of course not. Hindi-hindi iyon mangyayari lalo't kung sila lang ang dahilan."

Hindi namin kailangan ng pagtanggap mula sa mga taong kilala ka lang kapag may maibibigay ka. Hindi natin kailangang ipagsiksikan ang ating sarili sa mga taong hindi tayo gusto. Masaya kami ni Kheious at mahal namin ang isa't isa. Iyon lang ang mahalaga.





"Tulungan na kita." Kinuha ni Dristan ang ibang box na dala ko.

"Salamat." Katrabaho ko siya pero never pa kaming nag-usap kaya naman medyo nakakagulat na nagboluntaryo siya na tulungan ako. 

"Congrats pala. Wala ka pang isang taon dito pero na-promote ka na. Ang galing mo kasi."

"Salamat." Nauna na ako sa kaniya sa loob upang ilagay roon ang kahon.

Nalihis naman ang atensyon niya sa mga katrabaho namin pagkapasok. Itinali ko ang buhok ko at bumalik sa aking lamesa upang ipagpatuloy ang naudlot na trabaho. Mag-isa lang ako sa bahay nang buong linggo dahil nasa training sa Subic si Kheious.

Hindi naman ako nalulungkot dahil sanay na rin. Nag-u-update lang kami sa isa't isa dahil sa phone lang talaga kami pwedeng makapag-usap. Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso ako sa grocery para mamili. Hindi ganoon karami dahil ako lang naman mag-isa sa bahay.

"Ano pa ba?" tanong ko sa sarili habang tulak-tulak ang cart ko.

Ang hirap kasing mamili kapag wala si Kheious. Kapag kasi may nakakalimutan ako ay siya ang tinatanong ko kung ano pa ang kulang. Hindi na rin ako nakapaglista dahil dito na nga ako dumiretso pagkagaling sa trabaho.

Nadaanan ko ang lagayan ng tissue. Nasa mataas na pwesto ito kaya tumingkayad pa ako para maabot iyon pero masyado talagang mataas. Kulang na nga lang ay humiwalay ang braso ko sa kauunat. Napatigil ako nang may kamay na walang kahirap-hirap na umabot niyon.

"Here." Inabot niya iyon sa akin.

"Ikaw pala, Dristan. Namimili ka rin?"

"Oo, magluluto kasi ako ng pie. Ubos na stock kong ingredients kaya dumaan muna ako rito para mamili. Ikaw anong binibili mo?"

"Stock para sa linggong ito." Napansin ko na nakatingin siya sa cart ko na kaunti pa lang ang laman. "Ako lang kasi kaya kaunti lang."

"Oh, you're living alone?"

"Naku hindi. I'm living with my boyfriend. Nasa training lang siya ngayon kaya ako lang mag-isa."

"I see." Tumango-tango lang siya.

Nag-ikot-ikot pa ako, naghahanap ng mga magagamit ko sa bahay. Mahirap kapag sa tindahan sa kapitbahay pa bibilhin isa-isa. Bukod sa mas mahal ay hussle rin. Pansin ko na hindi na lumayo sa akin si Dristan.

"Hindi ka pa tapos?" tanong ko na.

"Uhm, malapit na. Hindi ko kasi mahanap iyong baking powder nila kaya tumatagal ako." Napakamot siya sa batok.

Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon