Chapter 23

11.1K 243 24
                                    


Chapter 23






"What?! Tama ba iyong narinig ko? Magtatrabaho ka sa ex mo?"



Nahihiya akong tumango-tango. Na-i-stress naman siyang napalakad sa likuran ko.



"Gosh! Naloloka ka na ba? Paano kung apihin ka niya dahil sa ginawa mo sa kaniya? Alam kong mabuting tao si Kheious pero ikaw na rin ang nagsabi na nagbago na siya. Paano kung buntisin ka?"



"Grabe ka naman, Syn."



Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.



"Aba eh nabasa ko na iyang ganiyan. Paano kung malaman niya iyong tungkol sa anak ninyo? Tapos kunin sa 'yo? Anong ga—"



"Please, tama na, Syn. Hindi nakakatulong." Napahilot ako sa sintido.



"Kasi naman, beh, parang pabigla-bigla desisyon mo. Parang noong isang gabi lang todo iwas ka kay Kheious tapos ngayon sasabihin mo na magtatrabaho ka sa kaniya. At hindi lang basta trabaho, Personal Assistant pa niya."



"Hindi lang naman siya ang pagsisilbihan ko kundi pati na rin iyong ibang members niya."



"Kahit na." Nai-stress siyang napabalik sa upuan. "Pero sigurado ka na ba talaga? Baka nabibigla ka lang."



"Kailangan ko ng pera, Syn. Anak ko na ang pinag-uusapan natin. Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa kaniya, 'di ba? Siya na lang ang mayroon ako kaya gagawin ko ang lahat maging maayos lang siya. Isa pa, hindi na ako pwedeng umatras. Nakakuha na kaagad ako ng advance sa manager ni Kheious. Binigyan na niya ako kasi alam niyang kailangang-kailangan ko na ng pera. Pumirma na rin ako sa kasunduan. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang pagtrabahuhan ang perang nakuha ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Bahala na. Ang importante lang ay gumaling ang anak ko. Iyon na lang muna ang iisipin ko sa ngayon, Syn."



"Basta kapag nagkaproblema, tawagan mo lang ako kaagad." Tumayo siya at niyakap ako mula sa likuran.















"Kinakabahan ka?" tanong ni Hanz, ang manager ni Kheious.



Nandito kami sa elevator ngayon, paakyat sa palapag nung pito.



"Sakto lang." Sakto lang parang lalabas lang puso ko sa kaba.



Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na magtatrabaho ako sa kaniya— sa kanila. Takot, iyon ang nangingibabaw sa akin. Nawaksi ang aking mga isipin nang bumukas ang elevator.



"Sa palapag na ito sila nag-i-stay. Exclusive ang floor na ito kaya off-limits sa mga hindi authorized na staff."



Sobrang moderno ng paligid. Hindi ko tuloy maiwasang padaanan ng tingin ang bawat sulok na aking nadadaanan. May mga sinasabi pa siya pero hindi ko na naintindihan dahil occupied ako ng isipin na magpapakilala ako bilang PA nila. Iniisip ko ang magiging reaksyon niya. Noong isang gabi ko pa inihanda ang sarili para rito ngunit hindi yata iyon sapat.



"Nandito na tayo."



"Ah o-oo," wala sa sarili kong tugon.



Ini-slide niya ang key sa pinto at ilang saglit lang ay bumukas iyon. Bumungad sa amin ang malawak na dance floor.



"Dito sila nagpa-practice."



Nakita ko ang isang lalakeng nakaupo sa sahig, pawisan at hinihingal. Nakasandal naman sa dingding iyong isa habang umiinom ng tubig. Iyong dalawa naman sa gilid ay naghahampasan ng unan.



Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon