Chapter 36

10.9K 257 22
                                    



Chapter 36



"Mommy, bili tayo nun!" Hinatak ako ng anak ko sa stall ng mga chocolate.

"Sige pero kaunti lang ah. Baka saktan ka na naman ng ngipin." Hinawakan ko siyang mabuti dahil baka mawala.

Masyadong malawak ang mall para maghanapan kami rito. Hindi kami nakapag-grocery nitong nakaraan dahil ilang araw din ang nilagi namin sa resort. Sakto naman na walang pasok si Kheious ngayon kaya sinamantala na namin na makapamili. Umuwi rin naman kami kaagad pagkatapos dahil marami pang gagawin.

Balik trabaho na bukas kaya sinulit na namin ang araw na iyon. Gumawa kami ng hand paint naming tatlo tapos ay nagluto ng meryenda. Simple lang pero naging special dahil sila ang kasama ko. Kheious and I became more open to each other. Magkatuwang kami sa gawaing bahay at sa pag-aalaga kay Khoein.

"Teka hindi ka ba papasok?" tanong ni Kheious nang makitang hindi pa ako bihis.

"Masama raw pakiramdam ni Khoein. Dito na lang muna ako para may mag-aalaga sa kaniya. Hindi ko rin kayang iwan eh."

Napuno ng pag-aalala ang mukha niya. "Ganoon ba? Gusto mo ba rito na lang din muna ako? Para maalagaan ko kayo. Magpapaalam na lang ako sa manager."

"Huwag na. Kailangan ka roon ngayon. Lalo pa't malapit na ang concert ninyo."

"Mas kailangan n'yo ako rito. Paano kung---"

"Sige na. Tatawagan na lang kita kapag kailangang-kailangan na namin. I'll give you updates too about Khoein para hindi ka mag-worry masyado."

He let out a sigh. "Mukhang hindi ko na mababago ang isip mo. Update me, okay?"

"Um." I nodded smiling.

Nagpaalam lang siya sa anak namin tapos umalis na. Pinakain ko na si Khoein para makainom ng gamot tapos hinayaan ko ng matulog. Alam kong mahirap maggagalaw kapag masakit ang ulo. Naglinis na lang din muna ako habang nagpapahinga siya.

Panay ang trabaho ko noon para mabuhay ang anak ko kaya naman ngayon ay hindi na ako sanay na nasa bahay. Naisipan kong ipagluto si Khoein ng spaghetti, baka sakaling magkaroon siya ng gana. Ang hirap pa naman kumain kapag may sakit. 

Inihinto ko saglit ang paghahalo sa sauce ng spaghetti nang tumawag si Syn.

"Sis, nakita mo na?" bungad niya sa akin.

"Nakita ang ano?" kunot noo kong tanong habang tinitikman ang sauce.

"Iyong picture n'yo nila Kheious. Kumakalat na online. Tingnan mo na, bilis!"

"S-Sige." Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang social ko.

"No," nasambit ko nang makita ang mga photos namin na kumakalat online.

Kuha ito noong nagpunta kami sa department store kahapon. Marami iyon na halatang sinundan talaga kami. Mayroong kuha mula sa grocery, sa kiddie store noong namimili kami ng stuff toy, at maging iyong isinasakay na namin sa sasakyan ang mga pinamili. Marami ng nag-react at nag-share niyon kaya siguradong marami na rin ang nakakita. Malakas ang kabog ng dibdib ko na tiningnan isa-isa ang mga nasasakop ng feed ko.

"May anak na pala siya. Sayang naman."

"Baka naman kapatid lang o pamangkin."

"Kamukhang-kamukha niya iyong bata kaya malabong pamangkin lang."

"Anak niya talaga iyon. Kamukha rin noong batang lalake iyong babaeng kasama nila eh."

"Sino siya? Grabe ang landi naman. Hindi marunong pumila."

Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon