Chapter 1

18.9K 320 21
                                    



Chapter 1





"Ninety-four lang? Kheious, ano bang nangyayari sa 'yong bata ka?" disappointed na tanong nito sa akin.


"Pasado naman po, Aun—"


"Jusko naman! Tingnan mo nga ninety-four lang general average mo this sem. Dati naman hindi ka bumababa ng ninety-five. With Highest Honor ka pa nga noong Junior High. Akala ko ba gusto mong makapasok sa magandang University?" 


"Gusto ko nga po," nakayuko kong tugon.


"Iyon naman pala edi mas pagbutihin mo. Kinausap na ako ng teacher mo noong meeting at ang sabi posibleng maging Valedictorian ka this school year. Kaya ayusin mo naman sana. Alam mo simula noong sumali ka sa grupo na 'yan nagkaganiyan na mga grado mo. Tigilan mo na kasi iyang pagsayaw at pagkanta na iyan. Distraction lang iyan sa pag-aaral mo. Hindi ka naman magkakapera d'yan." 


"Magkakapera pa rin naman po, Tita, kapag nanalo kami sa con—"


"Iyon na nga eh kapag nanalo. Kapag nanalo lang! Eh ang masama nga d'yan madalas kayong talo. Ilan ba kayo sa grupo? Sampu? Kinse? Tapos ang premyo limang libo? Aba eh paano n'yo papartehin iyon? Baka ni bigas at ulam hindi tayo makabili." Minasahe nito ang sintido at nai-stress akong tiningnan. "Hindi tayo mayaman, Kheious. Nakita mo naman siguro kung gaano ako kahirap mabuhay lang kayong magpipinsan. Hindi malaki ang kinikita ng Tito Emman mo. Wala kaming maipamamana sa inyo kundi edukasyon lang. Kapag naging Valedictorian ka makakakuha ka ng full scholarship sa magandang unibesidad sa Manila. Kapag ganoon hindi na kami magkakandakuba sa pagtatrabaho para sa kolehiyo mo. Iyong nanay mong nasa Canada, makakauwi na rin siya. Huwag mo naman sanang sayangin ang oportunidad. Naiintindihan mo ba?"


"O-Opo, Auntie. P-Pero gusto ko po talaga ang pagpi-perform. Dito po ako masaya."


"Hindi tayo mapapakain niyan. Mag-aral ka. Magtapos. Iyon ang sigurado kaya iyon lang ang gawin mo! Distraction lang iyang pagpi-perform na iyan. Kung iyon sanang oras mo sa practice at training nilaan mo sa pag-aaral edi mas mabuti."


"Pero, Aun—"


"Wala ng pero-pero! Tapos ang usap. Bawi ka next sem. Umakyat ka na roon ng makapagpalit ka na." 


Napabuntong hininga na lang ako at umakyat na sa taas sakbit ang backpack. Mabigat ang mga naging hakbang ko sa bawat baitang ng hagdan. Naiintindihan ko naman na ayaw lang ni Auntie na napapabayaan ko pag-aaral ko pero hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot. 


Pinahihinto nila akong gawin ang bagay na mahal ko. Iyon ang hirap sa panahon ngayon eh. Hangga't wala ka pang napapatunayan, wala kang suportang matatanggap. The worst is your own relatives will not even support your creative talent unless... you're earning from it. Tapos kapag sikat ka na, mahal ka na ng lahat— Proud na sila sa 'yo. 





"Oh bakit late ka?" tanong ng ka-group ko na si Geo.

"Hinintay ko pang makaalis si Auntie eh. Alam mo naman tumakas lang ako."


"Hayss... sinasabi ko na nga ba. Hayaan mo na ang importante nandito ka na ngayon, dre."


"Pero nakakapagod din kasi 'tol iyong palaging nagtatago. Hindi ko alam kung bakit nagagalit sila eh wala namang masama sa pagsasayaw."


"Ganoon talaga ang buhay, 'tol. Hangga't wala ka pang maipagmamalaki sa kanila maliit tingin nila sa 'yo. Pero magtiis ka lang muna sa ngayon. Darating din iyong araw na maiintindihan nila ginagawa mo."


Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon