Chapter 5

9.1K 212 12
                                    


Chapter 5





Natulala siya sa akin pagkalas ko ganoon din ako. Hindi ko alam ang gagawin... hindi ko alam ang sasabihin. Bago pa man siya magsalita ay tumakbo na ako palayo. Dumiretso ako sa restroom at napasandal sa likod ng pinto. Nasapo ko ang dibdib na dumadagundong.




"Anong kagagahan naisip mo at hinalikan mo siya, Anaia?"




May estudyanteng lumabas sa cubicle kaya naman napaayos ako ng tayo. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Kinapa ko ang labi na dumampi sa kaniya kanina. Hiyang-hiya ako.




Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kapag nagkaharap kami. Para bang gusto ko na lang iuntog ang sarili o mag-magic na magkaka-amnesia si Kheious para makalimutan niya.




Nagbihis lang ako at nag-ayos ng kaunti bago lumabas. Hindi na ako nagpaalam kay Kheious. Dapat kasi ay sabay kami, kaya lang ay hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon.




Dumiretso ako sa trabaho at sinubukang libangin ang sarili. Ngunit hindi talaga iyon mawaglit sa aking isipan. Hanggang sa pag-uwi nga ay dala-dala ko iyon. Ang tanga ko naman kasi.





















"Bad trip iyong prof ko napakadaming pinapagawa," reklamo ni Syn.




Nandito kami sa terrace at nakatambay. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Iginalaw ko nang bahagya ang rocking chair na kinauupuan ko.




"Hindi ka na nasanay."




"Sana lang talaga worth it maging grades ko. Grabe hirap at effort ko sa mga pinapapasa niya, ano? Oh siya sige akyat na ako. Ikaw ba?"




"Mamaya pa ako. Inuubos ko pa itong gatas ko."




"Sige. Ikaw na lang mag-lock ng kuwarto pagkapasok mo. Good night."




Bumalik na siya sa loob kaya naiwan ako roon. Tahimik na pinagmamasdan ang mga bituin habang humihigop ng mainit na gatas na medyo malamig na ngayon.




"Dapat kasi nagkokontrol ka, Anaia. Hindi iyong basta-basta ka na lang nanghahalik."




"Dapat kasi nagpapaalam ka ng 'di naman ako nag-aalala."




Namilog ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses.




"K-Kheious..."




"Hinanap kita kanina para sana sabay tayong lumabas kaso wala ka naman."




"Ah eh kasi... ano... uhm..."




"Kung tungkol iyan sa kanina huwag mo ng kaisipin."




"At paano mo naman nasabi na iniisip ko iyong paghalik ko sa 'yo?"




"Defensive much, huh?" He chuckled.




"H-Hindi kaya!" Tumayo na ako at nag-marcha na papunta sa pintuan. "Bahala ka d'yan matutulog na ako."




Kaagad akong natigilan nang hawakan nito ang aking pulsuhan. Mabilis ako nitong itinulak sa pader, katabi ng pinto. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa aming posisyon.




"Iyan lang ba ang sasabihin mo matapos mong kunin ang first kiss ko?"




"A-Anong first kiss pinagsasabi mo?"




Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon