Chapter 18

8.3K 184 3
                                    


Chapter 18





"Ang sarap talaga ng hangin dito."



"Halika na nang makakain na tayo."



Bumalik na ako kay Kheious na nakalupagi sa mat at katatapos ayusin ang mga pagkaing dala namin. Sa ganitong paraan namin naisipang i-celebrate ang pagka-hire ko sa trabaho.



"Congrats, love." Sinubuan niya ako ng fries.



"Thank you." This won't be possible without him.



Maaaring ako iyong nag-aral o nag-apply pero siya ang nagpapalakas ng loob ko na sumubok at gawin ang mga bagay na takot ako. Bukod pa roon ay alagang-alaga at suportado niya ako sa lahat.



"Kailan ka pala magsisimula?"



"Sa Lunes, sa darating na linggo."














Balik sa maagap na gising na nga ako dahil bawal ma-late sa trabaho. Nakakaumay na araw-araw ko na namang kailangang gumising nang maaga. Sa kabilang banda naman ay masaya ako dahil magagawa ko na ang trabahong pinangarap ko, ang magtrabaho bilang isang accountant.



"Bakit gising ka na? Mamaya pang alas dyis call time n'yo, 'di ba? Alas cinco pa lang, love. Matulog ka muna."



"Ihahatid kita. Magto-toothbrush at hilamos lang ako."



Hindi na ako umimik at pinanuod lang siyang inaantok na naglakad papunta sa lababo. Simula noong nagtrabaho ako ay palagi na niya akong inihahatid sa trabaho kapag nandito siya. Kahit wala halos tulog ay babangon siya para ihatid ako.

















Inalalayan niya ako sa pagsampa sa jeep. Sumunod naman siya sa akin at naupo kami sa bakanteng pwesto. Mag-a-alas-sais pa lang ng umaga kaya malamig pa ang hangin. Itinali ni Kheious ang buhok ko para raw hindi masyadong magulo.



"I love you," bulong nito habang nakayakap sa akin at nakasandal ako sa dibdib niya.



Dahil sa yakap niya ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko— namin. Natulog muna ako saglit, alalay niya ang ulo ko upang hindi ako mauntog. Pagbaba namin ay inihatid niya lang ako hanggang sa pintuan.



Nang masigurado na nakapasok na ako ay saka lang siya umalis. Pagod siya sa training at trabaho, wala pa rin siyang maayos na tulog pero inihatid pa rin niya ako.



"Boyfriend mo ba iyon?" tanong ng katrabaho ko pagkapasok ko.



"Oo, inihatid niya lang ako."



"Ang swerte mo naman inihatid ka kahit mukha yatang kulang pa sa tulog."



"Oo nga eh." Nakangiti kong binuksan ang computer.



Inspired na naman tuloy akong magtrabaho dahil sa lalakeng iyon. Kahit wala siya halos tulog ay inihahatid niya ako. Kahit pagod sa trabaho, babyahe siya para sunduin ako masigurado lang na ligtas akong makakauwi. Sobra iyong pag-aalaga niya na minsan naiiyak ako kasi pakiramdam ko hindi ko siya deserve.



Hindi ko alam kung anong mabuting nagawa ko sa buhay ko at binigyan ako ni Lord ng isang Kheious. Tulong kami sa mga bills sa bahay. May maayos na akong trabaho kaya hindi na kami masyadong hirap sa mga bayarin. Madalas nga lang ay si Kheious ang sumasagot dahil siya ang may mabilisang kita.



Tuwing kinsenas ang sahod ko kaya naman kapag wala pa ay si Kheious muna ang sumasagot. Nag-iipon din kami dahil mahalaga na mayroon kaming naitabi. Mahirap kapag biglang nangailangan tapos wala kang madukot. Hindi madali maka-survive sa araw-araw na gastusin pero kinakaya namin, nagtutulungan kami.
















Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon