Epilogue

17.3K 379 82
                                    



Epilogue




Four Years Later...



"Huwag takbo nang takbo baka mangadapa kayo," paalala ko sa dalawang bata na naghahabulan sa makipot na kusina.


Naghahalo ako ng niluluto ko nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. 


"Good morning," bati ng asawa kong pinuyat ko kagabi.  


"Kumusta tulog mo?" tanong ko habang patuloy lang sa paghahalo. 


"Pinagod mo 'ko," sagot nito sa paos na boses. 


Natatawa kong pinatay ang kalan at pumihit paharap sa kaniya. I wrapped my arms around his neck and tipped toe to give him a good morning kiss on the lips. 


"Weak!" asar ko sabay pisil sa pisnge niya. 


"Kaya pala you passed out last night, huh?" Pinisil nito nang mahina ang ilong ko. 


Tumalikod na ako upang kumuha ng mga plato. 


"Hindi kaya!"


"Really?"


"Che! Maupo ka na roon. Maghahain na ako. Tawagin mo na rin ang mga bata nang makakain na tayo."


Nagsuot lang ng shirt si Kheious tapos ay lumabas na ng kusina upang puntahan ang mga anak na naglalaro. Ako naman ay nag-umpisa ng ilatag ang mga plato't kubyertos sa lamesa. Nasa gitna ako ng paghahain sa six seaters na lamesa nang dumating si Kheious kasama ang mga anak namin.


"Oh bakit umiiyak na 'yan?" Lumapit ako upang check-in ang tatlong taong gulang naming anak na karga-karga niya. 


"Naghahabulan. Ayun nadapa."


"Sabi ko naman kasi sa inyong magkapatid mag-ingat, 'di ba?" kalmadong sabi ko at pinaupo ang bunso naming si Chasity sa bangko. "Kukunin ko lang iyong medicine kit nang magamot ang sugat. Kuya Khoein, ikuha mo muna ng inumin itong kapatid mo." 


Mabilis namang nagsalin ng tubig sa baso si Khoein at inalalayan sa pag-inom ang kapatid. Madali ko lang namang nakuha ang kit dahil nandito kami ngayon nag-i-stay sa dati naming bahay ni Kheious. Ang unang bahay na tinuring naming aming tahanan. Sobrang espesyal sa amin ang lugar na ito dahil dito kami bumuo ng mga alaala... at anak kaya naman hindi namin basta-basta kayang i-let go ito.


Akala ko noon ay wala na ang bahay na ito. Matagal na kasi kaming umalis. Kaya posibleng may iba ng umupa o hindi kaya ay bumili. Iyon pala itinuloy ni Kheious ang pagbabayad ng buwan-buwang renta kahit naghiwalay na kami. Isang bagay na may kirot sa akin lalo kapag naiisip ko si Kheious na umuuwi pa rin dito pagkatapos ng training, umaasa na nakabalik na ako pero wala. Iniwan ko siyang mag-isa rito.

Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon