PROLOGUE

287 5 1
                                    

Natatakot akong mahalin ka dahil kaibigan kita. Kailangan kong mamili sa dalawa, sasaya ba ako kung pipiliin kong kaibigan lang kita o habang buhay kong pagsisisihan dahil hindi ko masabing mahal kita?

Karamihan naman siguro sa'tin nakakaranas ng 'i fall in love with my best friend' pero sa buong buhay mo ba, paano ka nakakasigurong gusto mo nga sya? Na mahal mo nga siya?

Kapag nakaramdam ka ng selos? Ginagawa mo yung mga bagay na hindi mo naman ginagawa noon? Kapag takot kang mawala siya? Or mahal mo sya na higit pa sa inaakala mo?

Hindi naman natin agad masasabi kung bakit nga ba natin sila minahal. May dahilan ba para mahalin ang isang tao?

Ako kasi hindi ko alam, nagising na lang ako isang araw hindi ko na pala siya kayang tignan na may kasamang iba at masaya sa iba.

Dun ko sinimulang kapain sarili ko, mahal ba talaga kita dahil bestfriend kita o mahal kita kasi higit pa ron ang gusto ko?

May mga bagay at tao tayo na hindi natin inaasahang magiging importante sa'tin ng sobra.

I am Louise Anthea Mustacisa, 25 years old. Living my life as nursing. A simple life is all i need, with my bestfriend.

Louise POV'S

"Sa loob ng tatlong taon na 'yon gaano ka kasiguradong naging masaya ako?" hindi siya sumagot. Alam ko naman eh, kasi pinilit lang naman kita.

"I'm sorry, akala ko kasi kapag sinubukan natin may magbabago eh. I was wrong. I'm sorry Anthea."

I closed my eyes while listening to her words. It sucks. Akala ko kapag sinubukan natin may mangyayari. Wala pa rin pala.

I nod and smiled at her. Trying so hard not to cry.

Pero bigo pa rin ako. Kasabay ng pag buhos ng ulan ang pag buhos ng mga luha ko.

Tangina. Hindi ito yung inaasahan kong mangyari. Hindi ito yung bagay na hinihiling ko kay Lord.

Sa lahat ng tao, ikaw yung hindi ko inaasahang sasaktan ako ng sobra.

Without hesitation i left her. Hindi ko na nagawang lumingon pa at mabilisang nilisan ang lugar na iyon.

Mabilis kong tinahak ang lugar kung saan naka parking ang kotse ko. Agaran kong pinaandar nang mabilis yun at lumuluhang nagmamaneho ng sasakyan.

Bakit ang sakit pa rin? Hindi ba dapat handa ako sa ganitong bagay.

All those efforts, memories, lahat ng bagay na hindi mo ginagawa sa iba na sa akin mo lang ginawa. Para saan lahat ng iyon? Yung pagbibigay mo ng sweetness at care, wala lang ba sa iyo 'yon? Yung pag kuha mo ng first kiss ko, para saan iyon?

I was shocked ng hindi ko maihinto yung preno at patuloy lang sa pag andar. Nag ring ang selpon ko at nalaglag pa sa pinaka ibaba. Hindi ko na sinubukang kuhanin dahil sa paglabo ng aking mga mata dahil sa luha kasabay ng pag labo rin ng daanan dahil sa malakas na ulan.

Patuloy akong umaandar dahil sa hindi ko maihinto ang sasakyan. Isang bagay na lang ang natandaan ko. Kasalubong ko ang isa pang malaking sasakyan at walang pagdadalawang isip na iliko ang manobela at dun ko naramdaman ang sarili ko na naliligo sa sarili kong dugo dahil sa pag tama sa isang truck na hindi ko inaasahang bubungad sa'kin.

Continued...

I Was Never Yours Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin