Chapter 6

67 1 0
                                    

Louise POV'S

"Hey.."

"Hmm?" i hummed, she's on the other line. Kakasagot ko lang ng tawag niya.

"May sasabihin ako."

"Pwede later? Pagod ako eh."

Pauwi pa lang kasi ako galing hospital. Sobrang dami rin ng pasyente at nakakapagod nang sobra. Hindi pa ako masyadong nakapag pahinga.

"Alright, hintayin kita sa parking. Nandito na ako." hindi na ako sumagot at binaba na lang yung call.

Inayos ko lang ang gamit ko at saka dumeretso ng parking lot.

Naaninag ko na nga yung sasakyan niya kaya dumeretso ako sa kanya.

"Hi.." nahihiyang bati pa niya.

"Sa bahay ka matutulog?" i asked. Pumasok ako ng sasakyan at naupo sa tabi niya.

"Ah- no.."

"Ah, okay."

"Hatid na kita?"

"Mm." saka ako tumango.

She started the engine. Buong byahe ay wala akong imik, inaantok na ako sobra.

Ilang minuto lang nakarating na rin kami. Ni isa sa amin ay walang nagsasalita.

"Dito na lang ako? Salamat-"

"Anthea.."

"Hmm?"

"Alam na ni dadi."

Wala akong sinabi. Tinignan ko lang sya sa kaniyang mga mata. I know you are lying.

Tumango ako sa kanya, kunwaring naiintindihan ang pinupunto niya.

"Alright, mauuna na ako ah? Ingat ka, salamat sa pag hatid."

Hindi ko na sya hinintay maka sagot at bumaba na ako ng sasakyan niya.

Siguro ay nakaramdam sya, pagod na rin kasi ako kaya wala na rin akong oras para makipag talo.

Hinintay ko syang makaalis at nang makalayo sya ay saka pa lang ako pumasok sa loob ng bahay.

"Ma"

"Oh andito ka na anak ko." wala sa maayos na tono ang boses niya.

"Pa?"

"Anak, may sasabihin si papa."

Tinignan ko si mama, nandun din ang nakababatang kapatid ko.

"May bagong pamilya si papa, anak." si mama.

"I'm sorry." my dad.

"Wow, pagod ka na sa trabaho ganito pa ang ibubungad nyo?" my voice is starting to crack.

"Anak.."

"Stop calling me na parang ako ang pinaka mahal mong anak." i said to him. Kita ko kung paano dumaan yung sakit sa mga mata niya.

"I'm sorry, patawarin mo si papa." naluluhang tumingala sya sa'kin.

"Ate"

"Magpapahinga na po ako, wala akong oras para sa kadramahan nyo."

"Anak-"

Hindi ko na sya pinatapos, tinalikuran ko silang lahat at nagtungo ng kwarto.

Lumuluhang nahiga ako ng kama. Pinakatitigan ko ang kisame at tahimik na umiyak.

-FLASHBACK-

"Anthea, hindi kita maihahatid. May inutos na importante si daddy."

I Was Never Yours Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt