Chapter 14

65 2 0
                                    

Louise POV'S

Gamit ni Lyn yung sasakyan niya. Nag taxi ako at pinasundan yung sasakyan niya.

Sinabi ko na lang kay kuya na sundan yung sasakyan ni Lyn. Mabagal ang takbo niya.

Ilang minuto nung makarating kami sa park.

Park? Sinong kikitain mo rito? Bata? O dito mo dadalhin kapatid mo?

Bumaba ako ng sasakyan at nag bayad ng tatlong libo hindi ko na hiningi yung sukli, sobra pa nga iyon sa totoo lang.

Tumunog yung phone ko, nag text sya.

From: My Love.
Gising ka ba? Bahay ako.

Agad akong nagreply.

To: My Love.
'Enjoy with them. Update me. I love you.' i replied.

From: My Love.
I know.

Hindi na ako nag abalang mag reply pa at muling tumingin sa kanya.

Ala singko na ng hapon. Ano bang gagawin nya rito?

Dun dumami yung tanong sa isip ko.

Nakita kong may lumapit sa kanyang lalaki, yung lalaking iyon. Pamilyar yung lalaki.

Lumapit pa ako ng bahagya sa kanila para marinig yung pinag uusapan nila.

Ano bang ginagawa mo Anthea? Sinasaktan mo lang sarili mo.

Pagkalapit nung lalaki ay hinalikan nito si Lyn.

Putangina.

Dun nag uunahang bumagsak yung mga luha sa pisnge ko.

"I miss you." said from the guy.

"I missed you too." saka ito yumakap ng mahigpit sa lalaki.

Hindi na kaya ng puso ko. Masyado na akong nadudurog. Durog na durog na ako.

Nagsisinungaling ka para lang hindi ko malaman na nakikipag kita ka sa iba?

Ex mo ba yan? Yan ba yung ex mong mahal na mahal mo?

Nagsisinungaling ka habang kasama mo yung taong iniiwasan mong kakaselosan ko.

Napa luhod ako pero sinikap kong tumayo kahit gustong-gusto ko na lumuhod sa sobrang bigat na nararamdaman ko.

Umalis ako ron ng luhaan at mabilis na pumara ng taxi.

Nakakapag sinungaling ka sa'kin para lang sa ex mo.

Mabilis akong naka uwi ng condo. Napa luhod ako nung makapasok ako sa kwarto.

Dinial ko yung number ni Mira at tinawagan ito.

"Hello Louise?"

"I need you.." lumuluhang sabi ko.

"Wait, hintayin mo ako ah? Saglit lang." saka nya binaba yung call.

Ilang segundo lang narinig ko ng may kumatok sa pinto.

"Louise? Louise?"

Sinikap kong tumayo at buksan yung pintuan.

Pag bukas ay bumungad sa'kin ang dalawang tao na sobrang pag aalala ang makikita sa kanila.

"Louise.."

Yumakap ako sa kanya.

"Mira..ang sakit."

"What happened?" Mika asked.

Humagulgol ako ng iyak.

"I saw her."

"Sino? Si Lyn?" i nodded.

I Was Never Yours Where stories live. Discover now