Chapter 13

56 1 0
                                    

Louise POV'S

"Pauwi ka na?" si Alex, tapos na rin naman yung duty ko kaya nag aayos na ako ng gamit.

Tumango ako at hindi nag abalang tignan sya.

"Sabay na tayo." hindi ako sumagot.

Matapos kong ayusin gamit ko ay binitbit ko na ito at saka pumirma para sa oras ng off ko.

"Ingat kayo." sabay na sabi ni Mika at Mira.

"Louise!" tawag ni Alex.

Hindi ako lumingon, patuloy lang ako sa paglalakad.

Naabutan niya ako sa parking lot, huminto ako ron.

Bakit ang bigat? Bakit ang sakit?

"Okay ka lang ba?" hindi ako sumagot. Pinakiramdaman ko sarili ko.

Okay lang nga ba ako? Bakit ang hirap hirap sagutin ng apat words na ito. Oo at Hindi lang naman ang isasagot ko bakit nahihirapan akong sumagot.

"Ewan."

"Hmm?" she hummed.

"Sabihin mo nga sa'kin na hindi valid yung nararamdaman ko dahil nagseselos ako sa walang label."

"Valid iyon Louise, Anong nangyari?"

"I saw the picture of her ex sa wallet niya. And in one click hindi man lang niya iyon pinag isipang itapon or kahit itago na lang sa'kin." bumagsak ang mga luha sa mata ko. "Sabi ko, wala lang 'yon. Past na, pero wala. Hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan."

"Alam nya ba?"

"Dapat ba niyang malaman?"

"Kausapin mo muna s'ya."

"Ayoko, nasasaktan ako ngayon. At yun ang pinaka masakit kasi hindi niya alam na nasasaktan ako dahil sa kanya." i sobbed. Tangina, ang hirap naman.

"Louise..Palipasin mo muna yang sakit na nararamdaman mo."

"P-paano kung..k-kung pinalipas ko yung s-sakit kasabay nun ang pag kawala ng n-nararamdaman ko sa k-kanya.." hindi siya sumagot. Humagulgol ako wala na akong pake kung may makarinig sa'kin.

Ang alam ko lang nasasaktan ako.

Bakit mas pinipili mo palagi ang saktan at paiyakin ako? Bakit mas pinipili mong hayaan akong maramdaman lahat ng ito?

Hindi ko ba deserve mahalin? Hindi ba ako worth it para mahalin mo?

Ang sakit mo namang mahalin. Nakakalunod ka, sa sobrang lalim ng nararamdaman ko sa'yo hindi ko na magawang umahon.

"Kilala mo ba?"

"Hindi."

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at saka inayos ang sarili.

"Ihahatid na kita."

Hindi ako sumagot, deretsong nag lakad ako pauwing condo.

Tahimik na nakarating kami sa tapat ng room ko.

"Mag off ka muna, sabihin ko na lang na masama pakiramdam mo. Magpahinga ka na muna Louise."

"Salamat. Pasensya ka na."

Tumango lang siya at ngumiti. Sinarado ko ang pinto at saka pabagsak na hiniga ang katawan sa kama.

Bakit kailangan kong maramdaman 'to? Bakit kailangan kong masaktan?

Napapikit ako at humagulgol ng iyak.

"Anthea.."

"Anthea wake up.."

I Was Never Yours Where stories live. Discover now