Chapter 8

56 1 0
                                    

Louise POV'S

Papasok na ako ng trabaho, hindi ko rin kasi naabutan si Lyn sa condo ko. Wala rin sya pasabi na maaga siyang aalis.

Nilocked ko na lang yung condo ko mabuti at may susi ako. Na kay Lyn naman yung key card ko kaya anytime ay pwedeng pwede sya pumasok don.

Huwag lang sana siya magdadala ng lalaki.

Hindi naman natagalan yung paglalakad ko dahil maaga naman akong umalis ng bahay. Limang minuto lang ang tinagal at nakarating na rin ako sa hospital.

Nag text ako kay Lyn na nasa trabaho na ako. Hindi sya agad nakapag reply kaya nag focus na lang ako sa pagtatrabho.

Maaga ang off ko ngayon, kaya mas maaga ako makakauwi kila mama. Much better.

"Wala si Alex?" rinig kong tanong ni Mira.

"Nakita mo ba?" si Mika.

"Crush mo ba ako?" tanong ni Mira. Ano yon? San nya nakuha yon?

"What the fuck, NO!" depensa ni Mika.

"Edi yun din yung sagot ko."

"Tangina mo."

"No to say bad words, lagot ka kay Papa Jesus."

"Dinamay pa nga si Lord."

Ayan na naman po sila, nagtatalo na naman po sila.

Break time namin, lucky day dahil bukod sa 5pm ang out ko, isang oras din yung break time namin at nagka taon din ganun yung schedule nung dalawang ito.

Hindi pa ako nakaka tagal ng limang buwan, pero binabalak ko ng umalis.

Ang sabi kasi talaga ni mama ay huwag na akong mag trabaho, since abroad naman yung asawa niya kaya na nila akong buhayin kahit pa CEO ito ng company na minamanage nila. As if gusto kong mabuhay na galing sa luho nila yung bubuhay sa'kin.

To be honest, mayaman naman talaga yung pamilya namin. Dating CEO lolo ko habang yung kapatid ni lolo ay isa rin sa nagmamay ari ng hospital na pinagtatrabuhan ko ngayon.

Mayaman din ang pamilya nila Lyn, yung tatay nya ay best friend ng tatay ko. CEO din ng kumpanya kumbaga nagtutulungan sila para mas maiangat pa yung company na pinapatakbo nila.

Kahit hindi kami mag trabaho ay may pera kami. Kaya nga ganun na lang yung lakas ng loob ko lumipat kahit may ipon naman ako. Pero still, sila pa rin gusto mag bayad ng condo ko.

"Ba't absent si Alex? Day off ba nya?" si Mira. Kumakain sya ngayon ng hotdog.

"Alam mo ba kung nasan yung cell phone ko?" Mika asked.

"Hindi ko alam."

"Edi yan din yung sagot ko sa tanong mo."

"Ehh walang originality. Dati sigurong papansin to noh?" Mira asked, nilingon pa nya ako at naka tingin sa'kin ng tanungin ang salitang iyon. Sa itsura nya ngayon, napipikon na sya.

Bagay sila, parehong mapang asar at pareho ring pikon.

"Bagay kayo." i said to them.

"YUCK!" si Mira.

"SAKSAKIN MO NA LANG AKO LOUISE PARANG AWA MO NA." si Mika.

Natawa kami pareho ni Mira sa sinabi niyang iyon.

"Eto." inabot sa'kin ni Mira yung tinidor na hawak nya.

"Ano gagawin ni Louise dyan?" si Mika.

"Panaksak niya sa'yo."

"Hindi, ayoko nyan. Hindi tatanggapin ng katawan ko yan, kutsilyo dapat."

"Eto." inabot naman ni Mira yung kutsilyo sa kaibigan.

I Was Never Yours Where stories live. Discover now