Chapter 3

69 4 0
                                    

Louise POV'S

"Oh ano sino free mamaya?" tanong ng isa sa mga kasamahan namin, si Mika.

"Celebrate lang ng our 2 weeks job! Hahaha, wag na kayong tumanggi. Minsan lang ito." she continued.

"Duda ako diyan, oh sige saan?" tanong ni Mira.

"Sa Highway Hang outs! Maganda ron, porsure ay magugustuhan nyo ang lugar na iyon."

"G ako!" si Mira. Basta alak ay hindi niya ito palalagpasin.

Binatukan siya ni Alex, isa rin sa mga naging kaibigan ko na rito.

"Basta alak hayok na hayok ka."

"Omsim, me pa ba?!" natawa si Mika dahil sa sinabi niyang iyon. Ganun na ganun kasi ang pagkakasabi niya.

"Ikaw Louise?" Alex asked.

"May choice pa ba ako tumanggi?"

Nagtawanan naman sila.

"Yan ang gusto ko yung hindi tumatanggi sa alak." si Mira.

"Timawa." si Alex.

"Brutal."

"Anong connect?"

"Ewan ba."

Natawa ako dahil mukha silang batang nag aasaran. Pareho naman silang pikon.

Si Mira at Alex ang nag uusap. Patuloy lang sila sa pag aasaran hanggang sa matapos ang oras namin.

Naging kaibigan ko sila 4 days after ng unang araw ko sa trabaho. Nagkataon kasing late ako dahil kay Lyn.

Naging sunod - sunod ang pag iinom niya ng alak. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit. Hindi na ako nagtanong dahil kung gusto nyang malaman ko, kusa syang magsasabi.

Si Alex ang una kong naging kaibigan, na late ako at sya ang umako ng trabaho ko laking pasasalamat ko dahil don. Wala ring problema sa kanya dahil mapagkakatiwalaan naman talaga siya.

Sumunod ay si Mira at Mika. Nagkataon na madaldal sila pareho. Sa aming apat, kami lang ni Alex ang may matinong pag iisip.

Oh, baka masamain nung dalawa. Ang ibig ko lang sabihin ay mas matino at tahimik kami kumpara kay Mira at Mika na ubod ng daldal.

Sa sobrang daldal kasi nung dalawa hindi na kinakaya ni Alex ang kakulitan at kaingayan nila. Ganun din naman ako pero dahil ganun na sila, hinahayaan ko na lang silang magdaldal.

Aaminin kong nakakapagod din sya minsan. Ginusto ko ito, paninindigan ko ito.

Pag balik namin ng trabaho ay natakbakan kami ng gawain, hindi na nga kami nakapag usap - usap dahil masyadong dumadami ang pasyente.

Dumeretso muna ako ng comfort room para mag bawas.

Habang naglalakad ay hinarang ako nung isang pasyente. Oh wait, she's familiar.

"Hi Louise! Nagkita ulit tayo."

"What do you want?"

"Alam mo ikaw, hindi ko alam kung ganiyan ba talaga ugali mo or ayaw mo lang makipag usap sa'kin.

"Hmm, I'll prepare the second one."

"Oh talaga ba." ngumuso siya sa harap ko. And i found it cute.

Mas matangkad ako sa kaniya. Kung ikukumpara ko ang height niya kay Lyn, mas matangkad sya.

Si Lyn kasi ay hanggang dibdib ko lang kaya sa tuwing magkaharap kami ay parang bata ang kausap ko.

At sya naman ay palaging naka tingala sa'kin. Bigla tuloy akong natawa.

I Was Never Yours Where stories live. Discover now