Chapter 7

70 0 0
                                    

Louise POV'S

"Anthea, wake up."

"Hmm"

"It's already 2 pm in the afternoon, kakain na tayo."

What? Ganun kahaba tulog ko?

"Hindi ka na magising kagabi kaya hindi ka na nakakain."

Tahimik akong naupo ng kama.

"Tara na, kakain na."

"Tinatamad pa ako bumangon." sabi ko at muling nahiga sa kama.

"Pero-"

"I need to rest."

"Dadalhan na lang kita."

Hindi na ako sumagot at tumagilid ng higa. Naka talikod ako mula sa pintuan.

'May bagong pamilya si papa.'

Hahaha tangina naman. Bakit yan pa. Bakit sa lahat ng taong inaasahan kong totoo ikaw pa yung magloloko. Why?

Kaya ba ayaw mong umuwi ng pilipinas? Kaya ba mas gustong gusto mo sa canada?

Yung responsibilidad mo bilang tatay? Yung pagiging tatay mo sa'min kailan mo gagampanan 'yon?

Kagigising ko lang naman, bakit sa lahat yan pa yung magiging dahilan ng iyak ko.

All this time, habang naghihirap kami, nandyan ka sa asawa mo nagpapakasaya.

"Anthea" si Lyn. Nakarating na pala sya.

May bitbit siyang tray na laman ng pagkain.

"Nag dala na ako ng gatas, alam ko namang hahanapin mo yan. Kumain ka na, dinamihan ko na yung pagkain mo."

"Mm, salamat." tanging naisagot ko.

"Ngayon ka na ba maglilipat? Hindi natuloy diba?" tumango ako at pinag tuunan ang pagkain.

"Tulungan na kita."

"Okay."

Hindi na siya sumagot, ngumiti lang siya. Naiilang na kinuha ko ang mga pagkain. Hindi ko na lang pinansin yung existence nya at nagpa tuloy lang sa pagkain.

I was about to say something ng may tumawag sa kanya.

"Wait, babalik ako." hindi ako sumagot. Pero sa narinig ko babae ang tumawag, LX din ang nakita kong name. Hindi ko na lang yon pinansin at tahimik na inubos yung pagkain.

Ilang minuto lang nung naka balik sya na may ngiti sa kaniyang labi. Saktong tapos na rin ako.

"You done?"

"Yup" ngumiti ako ng bahagya.

"Anong oras ka maglilipat?"

"Bago mag dilim."

"Oh, okay."

Naupo ako sa sofa at nanuod ng netflix. Hindi na ako kumibo sa kanya.

"Okay ka lang ba?" naupo sya sa tabi ko.

"Mm,"

"Yung totoo?"

"Bakit?"

"Lungkot ng mga mata mo eh. Tungkol ba ito kila tito?"

"I'm here to rest, Lyn. Can you at least shut up for a while?"

Nasaktan ata sya sa sinabi ko. Nakita ko kung paano dumaan yung kirot sa kaniyang mga mata.

Nakonsensya naman ako bigla.

"I'm sorry-"

"No, i'm sorry."

I Was Never Yours Where stories live. Discover now