Chapter 2

90 4 0
                                    

Louise POV'S

"Ngayon pala simula ng work mo. Eto mag baon ka ng pagkain mo. Andiyan na rin ang gatas at tubig mo. Inayos ko na." my mom said while she's fixing my things.

I am still her a baby, i love you mom.

"Thank you ma, mauuna na po ako."

"Hindi ka magdadala ng sasakyan?"

"Hindi na po, magcocommute na lang ako." tumango sya. Sinabi pa niyang mag iingat ako kaya ngumiti na lang ako at humalik sa pisnge niya.

Hindi pa ako nakakalabas ng bahay ay may sasakyan nang bumungad sa'kin.

"Hello! Good morning!" of course, it's Lyn.

"What are you doing here?"

"Ano ba 'yan! Umagang umaga wala sa mood!"

"Malamang, ikaw ba naman ang bubungad sa'kin paanong hindi mawawala sa mood."

"Gago ka."

"Bunganga mo."

"Ikaw kasi eh!"

Sa'kin pa sinisi eh sa kaniyang bibig lumabas.

"Tara na nga!" binulyawan pa niya ako at saka niya ako pinag buksan ng pinto ng sasakyan.

Mauupo na sana ako sa likod niya ngunit hindi niya iyon binuksan kaya wala akong choice kundi ang maupo sa tabi niya.

"Inaantok-"

"Wala namang bago doon Anthea, matulog ka na gisingin na lang kita."

Hindi na ako sumagot at tumango na lang.

Masyado mo na akong kilala, mahirap na magtago ng sikreto sa'yo.

Naisip ko, ramdam mo rin kaya yung tunay kong nararamdaman sa'yo?

Napapansin mo rin kaya kung paano kita tignan na punong puno iyon ng pagmamahal?

Kung may pagkakataon lang sana akong ibalik yung araw kung saan hindi kita nagustuhan, hindi ako babalik eh.

Gusto kong maramdaman kung paano ka magmahal. Gusto kong malaman kung paano ka mag alaga. Gusto kong maramdaman yung totoong pagmamahal na sa'yo mismo manggagaling na hindi mo pinilit sarili mong mahalin ako.

Binuksan niya ang radio ng kaniyang sasakyan at nakinig ng mga kanta.

Hinayaan ko siyang gawin iyon.

Ilang minuto lang ay nakaramdam na ako ng antok.

"Pst, Anthea. Wake up. We're here." eh, kapipikit ko lang.

"Ang bilis naman."

"Kanina ka pa tulog. Traffic na nga eh. Sige na baka malate ka pa."

"Okay.. Salamat." ngumiti siya. Nagpaalam naman sya agad kaya inantay ko pa muna siyang makalayo.

I sighed. You make me fall hard, Lyn.

Pagpasok na pagpasok ng hospital ay binigyan na agad kami ng schedule kung saang pasyente ako naka lagay.

Nanatili ako sa ganung gawain. Tutulong sa mga doctors, babalik sa pasyente. Mula dumating ako ay ganun na agad ang naging gawain ko.

Minsan naman ay nakikipag kwentuhan ako matapos ko silang paalalahanan sa oras ng pag inom ng kanilang gamot.

Naalala ko pa yung huling pasyente na binantayan ko. Kamukha ko raw yung girlfriend ng kuya niya. Nabigla pa ako ng yakapin ako ng bata. Hinayaan ko lang ang batang gawin iyon at pinagsabihan naman sya ng kaniyang tatay.

I Was Never Yours Where stories live. Discover now