Chapter 4

78 2 0
                                    

Louise POV'S

"Gago alam nyo ba-" si Mira

"Hala hindi" pambabara ni Mika.

"Gago ka"

"Pikon"

"Mag tigil na nga kayong dalawa."

"Ikaw ang tumigil!"

Natawa ako dahil parehong sinagot iyon ng dalawa kay Alex.

"Tangina tumatawa ka pala?" si Mira. Obvious ba, malamang.

"Hindi counted opinion kapag taken ah." si Mira ulit, natatawa talaga ako pag sya ang nagsasalita, palibasa ay walang preno ang bibig.

"Hayaan mo na, lasing na mga 'yan." i said to Alex. Tumayo ako at nagpagpag ng sarili.

Medyo masakit na rin ang ulo ko. Naparami na rin ang inom ko. Shocks, sana ay hindi malasing ng sobra si Alex.

"Where you go?"

"Diyan lang magpapahangin."

"Balik agad." tumango ako sa kanya.

Pagkalabas na pagkalabas ng bar ay dumeretso ako ng parking.

Pumasok ako ng sasakyan at dinial ko agad ang number ng taong gustong gusto ko na makausap.

"Hey.."

"Hmm? Uminom ka?"

"Nagkayayaan." i said.

"Sinong maghahatid sa'yo?"

"Wala."

"Nasaan ka?"

"Highway Hangouts."

"Hintayin mo ako-"

"Palagi naman akong naghihintay sa'yo.."

"What do you mean Anthea?"

"Miss na miss na kita. Namimiss ko na ikaw, balik na ikaw pahinga ko."

"Anthea, nakainom ka. Susunduin na kita."

"Mahal kita."

"Anthea please stop this bull shit."

"Maniwala ka naman oh.."

"Paniniwalaan kita kung sasabihin mo yan ng hindi ka lasing." hindi ako sumagot. "Hintayin mo ako." saka niya binaba ang call.

Bakit ba ang hirap hirap magsabi sa'yo ng nararamdaman ko.

Nagpapakatotoo na nga ako, bakit ayaw mo akong paniwalaan.

Nag text ako kay Alex na mauuna akong umuwi, sinabi ko na lang na susunduin ako ni Lyn. Hindi na siya umangal dahil alam naman niya kung anong nararamdaman ko kay Lyn.

Alex is become my best friend too. Sa kanya ako nagsasabi ng mga hinanakit ko. At kapag nasasaktan ako.

Ilang minuto lang ay dumating na agad ang hinihintay ko.

Ang pahinga ko, andito ka na.

"Anthea..Halika na ihahatid na kita."

Hindi ako nagsalita, sinalubong ko lang siya agad ng mahigpit na yakap. This is what i want. It feels home.

"Tara na." tumango ako. Inakay niya ako pasakay ng sasakyan.

Sumasakit na ulo ko. Gaano ba katapang yung binili nilang beers at napaka sakit sa ulo.

"Matulog ka na muna. 30 mins pa naman ang byahe kaya makakapag pahinga ka pa."

"Yung kanina-"

"Nakainom ka Anthea."

I Was Never Yours Where stories live. Discover now