Chapter 9

50 1 0
                                    

Louise POV'S

Nandito na kami sa bahay, wala pa sila mama kaya nanuod na lang muna ako habang sya tinatapos yung trabaho nya.

"Love" i called her. I'm laying on the couch.

"Yes?" she's busy doing her papers work.

"I wanna adopt cats."

"Pusa? Eh bakit ngayon mo lang naisipan yan, tagal tagal mo na gustong mag alaga nyan diba?" she's still on her laptop.

"Mm, i think mas mababantayan ko naman na ngayon sila since hindi na muna ako magnunursing."

"Sure ka ba talaga diyan Anthea?" tinigil niya ang ginagawa at humarap sa'kin.

"Oo, bakit?"

"Eh yan ang pangarap ni tito sa'yo diba?"

Sasagot na sana ako ngunit biglang bumukas yung pinto. Sila mama, may bitbit na groceries. Lumapit ako to help her, but i saw my dad na marami ring bitbit. Kasunod nun ay ang nakababatang kapatid.

"Hi ate"

"Ano na naman yang kinakain mo?"

"Chocolate's from dad." i frowned.

"Tama na yan, sasakit ngipin mo. Uminom ka ron ng maraming tubig at mag tooth brush ka."

"Ate, hindi na ako bata. Binata na ako look oh" my younger brother told me. Tinaas niya ang dalawang braso at pinakita ang muscle.

"Wala kang muscle, tulungan mo si mama."

"Hi titaa, tito. Hello rin sa'yo." bungad niya.

"Hi ate Lyn, si Matthew po?"

"Ay nasa bahay eh, don't worry sabihan ko mag bond kayo."

"Okay ate!" sagot niya. Nagpaalam siyang aakyat muna.

Nang makaakyat sya ay dumeretso kami sa sala para ilagay don ang mga groceries na pinamili nila.

"Oh kumusta panganay ko? Kumusta sa bagong bahay mo?"

"Ayos lang."

Iniayos ko ang mga pagkaing dinala nila, si mama ay naupo sa couch. Pagod na.

"Ma, magreresign na po ako." hindi siya agad nakasagot.

"Nahihirapan ka ba?"

"Hindi po. Alam nyo naman pong hindi iyon ang pangarap ko diba?"

"Pero kailangan mo iyon."

"Ma hindi, alam nyo kung anong gusto ko."

"Anak.." naupo ako sa tabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Kahit eto na lang oh, eto pangarap ng daddy mo sa'yo."

"Paano yung pangarap ko?" natigilan sya at hindi naka sagot.

"Anak mo rin naman ako ma. May sarili rin akong pangarap. May sarili rin akong kagustuhan." i said to her.

Tumayo ako at nagpaalam sa kaniyang uuwi na.

Ramdam kong naka sunod si Lyn dahil narinig nya yung naging usapan namin.

"Hey.." hindi ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad.

"Anthea." muli ay hindi ako lumingon sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa palabas ng village.

"Anthea isa."

"Love!"

Napa hinto ako. Wala pa naman kami sa labasan, mabilis syang naka lapit sa'kin. Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ako sa dalawang braso.

I Was Never Yours Where stories live. Discover now