Chapter 1

184 3 3
                                    

Louise POV'S

"Anak bangon na. Tawag ka na ni Evelyn." i'm too lazy to get up so i let my mom talk there. Nakakatamad kayang bumangon lalo kung ginigising ka pa sa walang kwentang dahilan.

"Hoy! Babangon ka or babangon ka? Mamili ka." naka pamewang at crossed arms siya ng sabihin niya 'yon.

"Ikaw"

"Ano?" bingi amp.

Dahil nandito na siya, wala na akong choice kundi bumangon.

Naupo siya sa tabi ko.

"Inaantok pa ako."

"Sis, mag bagong buhay ka na. Magtatrabaho na tayo this year tapos ang tamad tamad mo pa rin." tinuktukan niya ang sintido ko habang sinesermunan ako.

"Maligo ka na ang baho baho mo."

Tumango lang ako at hindi na sumagot.

Dumeretso na ako ng cr at minsanang pa siyang nilingon. Inaayos niya ang kama ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at pinasa walang bahala na lamang.

Matapos ang ilang minutong pagtagal sa cr ay lumabas na rin ako ng kwarto at dumeretso sa sala.

"Kumain ka na." said by mom.

"Tita, hiramin ko si Anthea sa 26 ah."

Naupo sya sa tabi ko habang ako ay patuloy sa pagkain.

Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya, wala akong idea. Hinayaan ko lamang silang mag usap at nagtuloy tuloy sa pagkain.

"Saan?"

"Birthday ni Matthew-"

"Yung bunso mong kapatid? Aba eh ang tagal na nung huli ko syang nakita ah. Kumusta na ba ang batang iyon?"

"Mag 16 na siya tita. Pasaway na rin katulad po nitong si Anthea hehe."

Blankong mukha lang ang ibinigay ko sa kanya at ngiti naman ang iginanti niya.

Panget mo.

"Papuntahin mo minsan dito, para makapag bonding sila nung kapatid netong si Anthea."

"Ilang taon na ba yun tita?"

"Huwag kang mag alala dahil magka edaran lang sila ng kapatid mo."

"Sa loob ng 12 yrs na pagkakaibigan namin netong si Anthea hindi ko pa nakikita ang kapatid niya tita."

"Nandun kasi sa daddy niya sa canada. Hindi pa maka uwi dahil may inaayos pa ang daddy nito."

"I'm done." singit ko.

Hindi ko alam kung bakit ako ang topic nila. Ang dami daming bagay na pwedeng pag usapan, ako pa.

"Oh tapos ka na?"

Tumango ako. "Where's my milk?"

Ibinigay sa'kin ni mama ang isang thumbler na kung saan paborito kong lagyan ng gatas ko.

Tumango lang ako at deretsong lumabas ng bahay.

"Sige tita alis na kami hehe, have a nice day po!" rinig ko pang paalam niya sa nanay ko.

"Ikaw bente anyos ka na yan pa rin iniinom mo."

Hindi ako sumagot at ibinigay lang sa kanya ang susi ng sasakyan niya.

"Nakng-"

Dumeretso ako sa passengers seat at sumandal don. No choice sya kundi ang sumunod.

"Dadaan tayo sa puntod ni mami, since 40 days niya ngayon dun na lang tayo magpipicnic." i just nod at her.

I Was Never Yours Where stories live. Discover now