Prologue

2.1K 41 6
                                    

"This day is tiring!"

Padabog na humiga si Shanty, my roommate, matapos ang literal na nakakapagod na araw. Galing kami sa duty namin, isang linggo nalang at matatapos na rin naman ito pero hindi maiiwasan isipin na kahit malapit na matapos ang OJT namin ay pa hirap na pa hirap ang mga ginagawa namin doon.

"I miss my fam na, gusto ko nang umuwi," pagra-rant nito sa akin.

Nasa States kami ngayon dahil nga sa OJT namin, we are BSA students and our school is very prestigious in the Philippines that's why ang OJT namin ay out of the country. Akala ko masaya, I mean masaya naman talaga at first pero habang tumatagal ay humihirap lang ang buhay namin. Almost half-year na rin kami nandito at fortunately uuwi na kami next week. Exciting!

"Hoy, Luna! You don't even listen to me. Ano ba yan, kanina pa ako nagra-rant dito oh!" Pagdadabog ni Shanty at hinarap niya ang sa sarili niya sa akin.

"I'm sorry, I'm just very tired as you." Bumuntong ako ng hininga at humiga na rin sa kama.

Tumahimik kaming pareho at hindi nagtagal ay dumalaw na ang antok sa akin kaya nag desisyon nalang akong umidlip na muna dahil saturday naman na bukas at chill day na. Nagising ako dahil sa call ng messenger kaya madali kong kinuha iyon. Napangiti ako nang mabasa kung sino ang tumawag, Si Levi, he's something special.

"Hi!" Bungad nito sa akin sabay ngiti. 

"Hello." Ngumiti rin ako sa kanya. "What time na diyan at bakit gising ka pa?" Kita ko sa Camera na nasa kama pa siya.

"Well, gising na ako. I plan to have a run to boost my long day." He explain. "How about you? How was the duty?" Tanong nito pabalik.

Sinabi ko sa kanya ang naging buong araw ko habang siya ay nagre-ready for his run. Tawa siya ng tawa nung sinabi kong nasagot ko ng tagalog ang handler namin dahil sa inis at hind niya maintindihan. May duty rin ngayon si Levi sa office ng papa niya, his dad was Director General and he was there for an OJT like us. Pressured masyado si Levi dahil siya ang bunso at siya nalang ang walang nararating kuno sa buhay.

"It's okay, Levi! We're almost there, kaya mo yan." Cheer up ko sa kanya. Ngumiti ito at kinuha na ang phone na sinandal sa mirror, nilapit niya ang mukha niya sa camera at kiniss ito.

My Levi!

"Thanks, Moon!" Ngumiti ulit ito. "Wanna go for a run?" Tanong nito sa akin. Palagi niya akong inaaya para daw maramdaman din niya kasama ko siya doon.

"I'm sorry, Lev but I need to rest. I'm very tired talaga," malungkot na saad ko.

"It's okay, moon. So I guess this is a good bye, may araw na sa labas. Bye!"

Nang matapos ang conversation namin ay nagpasya na rin akong maligo para mag prepare na ng food namin ni Shanty dahil ako ang na-assign ngayon. Nagluto lang ako ng nilagang baboy dahil nagca-crave na ako sa luto ni Mom, kaya gusto ko na talagang umuwi dahil sa luto ng pamilya ko. Pumasok sa kitchen si Shanty at inamoy-amoy ang niluto ko.

"Wow, ang bango! Taray naman ng cookerist for today, gumagaling na. Pwede ka na talagang mag-asawa!" Pagbibiro nito sa akin.

"Not now but soon!" Nakangiti kong sabi ko sa kanya at napansin ang pag-iiba ng expression niya. "Oh, bakit?"

Bumuntong hininga siya at napa kamot sa ulo. "Teka nga Luisse Natalie, anong stage na ba kayo ni Levi? Ilang taon na rin kayong on and off pero wala namang label?" Napakunot ito ng noo.

"Hindi naman ako nagmamadali no, tsaka before tayo dumating dito is binigyan niya ako ng assurance." Pagmamayabang ko.

"Ewan ko nalang sa Levi na yan, masyadong magulo. Ano pa ba ang hinihintay niya? Pasko? Ilang pasko na ba kayo nagsasama at hindi ka pa rin nililigawan?" Patuloy niya at medyo na akong nasasaktan. 

LUNAWhere stories live. Discover now