15: LUNA

73 1 0
                                    

LEVI'S POV

"Daddyyyyy!" Luna yelled at her dad's lifeless body.

I saw my girlfriend struggling to breathe, but I prioritized her dad because I might still be able to revive him. I know how to handle this kind of situation. Tinulungan ako ni Ate para ibaba ang katawan ni Tito, habang si Luna ay tumawag na sa ambulansya. Rinig na rinig ko ang iyak niya sa labas, hindi ko siya mapuntahan dahil alam ko mas kailangan ako ng daddy niya.

"Ate, tanungin mo si Luna kung nakatawag na ba siya ng tulong. Kaya ko na to." Sabi ko sa katulong nila.

Habang naghihintay kami ng ambulansya ay lumapit na si Luna sa nakahigang katawan ni Tito. Lumapit ako sa kanya para alalayan siya.

"Daddy, please fight. H-hindi ko kaya, Daddy." Nahihirapang sabi nito. "A-akala ko, okay na tayo dad. H-hindi mo ba ako naisip kung kaya ko ba?" Patuloy na pag iyak niya.

A short while later, the ambulance arrived, and we moved to the side to make it easier for them to take the body. Their house helper went with the ambulance, and we quickly followed suit. Luna was still crying on the way to the hospital. I've comforted her several times, but she hasn't stopped yet. So much has happened to her family, and she really needs someone to be with her as she faces this.

Upon our arrival, Luna promptly followed her father. I made a quick call to our friends to join us here. Agad naman silang sumagot kaya nasundan ko si Luna sa ER na pinipigilan ng ibang Nurses na pumasok.

"Love, huminahon ka muna." Kinuha ko ang kanyang kamay at niyakap. Nakaharap na siya sa akin at hinigpitan ko pa ang yakap nito. "Shh, he'll be fine. May pulso pa naman ang daddy mo nung nakuha ko." I stated it to put her at ease.

"Hindi ko kaya, hindi ko kaya!" Paulit-ulit nitong tugon. Nanatili pa rin kami sa ganung posisyon.

Pinakinggan ko lang si Luna, marami siyang rants tungkol sa buhay niya. Medyo humuhupa na rin ang pag-iyak niya. Hindi nagtagal ay unang dumating si James, kitang-kita sa mata niya ang pag-aalala.

"Luna!" Tawag nito at niyakap naman siya ni Luna. "Everything's gonna be fine. Trust Him!" Sabi ni James.

"Salamat sa pagpunta bro." Tugon ko sa kanya at tumango naman siya.

"Walang problema yun. Inaalala ko lang si Luna, buti kasama mo siya." - James

Matagal pa bago nakarating sina Will at Gela. Pagkarating nila ay agad din nila itong niyakap. Naghintay lang kami na makalabas ang doktor sa ER, I know he can survive.

"Kahit anong mangyari, nandito lang kami for you." Pagsasalita ni Will dahil naiiyak na naman si Luna.

"Kayang-kaya ng daddy mo yan." -Gela

"Sorry at nakaabala ko pa kayo sa pagrereview niyo ha." Saad ni Luna at hinimas ni Will ang likod nito.

"No, hindi ito abala. We are here for Tito and for you syempre."

Its past midnight nang lumabas ang doktor sa ER. Nakita ko kung paano nag-iba ang mukha ni Luna nang lumabas sila, sinalubong niya agad ang doktor.

"How's dad?" Bungad nito.

Nilibot ng doktor ang paningin sa amin at binalik kay Luna. "I'm sorry, iha. Your father didn't make it." Sabi nito at tinapik ang abaga ni Luna bago umalis.

Napahawak ako sa ulo ko nang marinig ang mga salita na yun. Tumakbo si Luna sa loob kaya sinundan namin. Umiiyak na rin sina Will at Gela, si James naman ay pinipigilan lang ang luha.

"Daddy no! Daddy!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Luna. Nasasaktan akong makita ang girlfriend kong nadudurog.

Luna had nearly lost her voice as I approached her; she embraced her lifeless father. I tenderly caressed her back, offering a comforting touch to reassure her that I am by her side, ready to provide support and solace during this difficult moment.

LUNADonde viven las historias. Descúbrelo ahora