10: LUNA

155 4 0
                                    

One month past simula nung nagkabalikan kami ni Levi. It started very well until, may tampuhan pa rin kami pero agad naman na ito naaayos.

Nagbago rin ang schedule namin sa review center, twice a week na lang kami pupunta sa center, which is friday and saturday kaya nag desisyon akong sa Cebu muna manatili at lilipad lang ako pabalik ng Manila every Thursday night. Pinaalam ko kay Levi ang schedule ko at nasiyahan naman siya.

"Moon, labas tayo." Pag-aaya niya harap sa screen.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Kakauwi ko pa lang, napagod ako sa biyahe."

"Edi magpahinga tayo, basta kasama lang kita ngayon." I saw some sadness in his eyes kaya kahit pagod ako ay sumang-ayon na lang ako.

We decided to stay overnight at La Casa Vieja. Susundiin niya raw ako kaya hindi ako nagmadali, knowing how slow Levi is. Palabas na ako sa kwarto ng nakatanggap ako ng tawag galing sa kanya at nasa labas na raw siya. Excited akong makita siya kaya dali-dali akong lumabas sa bahay namin, when I saw him para akong bata na lumapit sa kanya niyakap agad.

"Hi, moon." Mahinang bati nito sa akin. "Sorry to bother you this late, gusto ko lang talagang makita ka." Sabi nito at sumakay na ako sa motor niya.

Papunta kami sa Casa at napansin kong tahimik siya kaya siguradong may problema na naman sa bahay nila at gusto niyang maka unwind. Hinigpitan ko ang hawak para maramdaman niyang kasama niya ako ngayon.

Dumating kami sa Casa at ako na ang nag-asikaso, nagdadabog pa siya dahil ayaw niya akong pabayarin sa check in namin. Pero naalala kong siya ang nagbayad sa huling gala namin kaya ako naman this time.

Nasa seashore kami at umuupo lang doon. Ramdam ko ang katahimikan ni Levi kaya hinawakan ko ay kamay niya. Napatingin siya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

"What seems the problem? I'll listen." Mahinahon kong tanong. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

Bumuntong pa siya ng hininga at inilayo ang paningin sa akin. "It's about Dad, nag-away na naman kami." Hindi ako nag salita at hinintay ko lang ang kasunod niyang sabihin. "Ayan na naman kasi siya sa ako nalang ang walang nararating at dapat ko raw mapasa ang CLE."

Hindi nag take ng CLE si Levi noong May dahil hind pa raw siya handa. Dahil dun ay todo pressure na ang Daddy nito dahil mahina kuno ang utak niya. Sino ba naman ang magte-take na bago pa lang ang graduation nila, noon 2nd week of May tapos yung CLE ay last week na.

"Hindi ka pa ba nasanay sa Daddy mo?"

Tumango ito. "Pero masakit pa rin. Kaya nga nasagot ko eh, umalis na lang ako para hindi na lumaki ang gulo." Hindi niya binitawan ang kamay ko, pinaglaruan niya lang ito.

"I'm here naman, if you want a shoulder to cry on, just call me." I give assurance to him.

Hindi na ako nagulat nang bigyan niya ako ng halik sa noo, ngumiti na ako sa to ease his pain. Ilang minuto pa kaming tahimik at nakahawak lang siya sa kamay ko. Maya-maya ay nag-aya siyang bumili na muna kami ng makakain para mas mahaba pa ang pagtambay namin sa dagat.

"That's why I'm very thankful na bumalik ka, Moon." Sabi niya habang naglalakad kami papunta sa canteen ng Casa.

"I think it's a good decision, Levi." Palambing kong tugon. "Just don't break my heart again." Sabi ko at pinisil ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Bumili lang kami ng junk foods at flavored beer pagkatapos ay bumalik na rin sa pwesto. Medyo bumalik na si Levi sa pagka madaldal dahil lahat nalang ng gagawin ko ay pinupuna niya. Sinasamaan ko siya ng tingin sa tuwing guguluhin niya ang buhok ko. Naiinis lang ako dahil hindi na naaayos ang buhok ko at baka magmukhang basang sisiw pa ako sa harap niya.

"Levi naman eh," sigaw ko sa kanya.

LUNAWhere stories live. Discover now