18: LUNA

43 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Time flies so fast, and it's been five years since Luna was rushed to the hospital. Maraming nagbago, may nawala, may nanatili, may umalis pero meron din naman dumating.

Habang nasa opisina si Levi ay kanina pa ito wala sa sarili. Kanina niya pa iniisip kung kumusta si Luna. Matapos kasi ang sulat na binigay niya ay inalis na siya sa group chat ng magkakaibigan, nalaman niya lang ito nang nakalabas na siya sa training. Wala na rin siyang balita sa mga kaibigan nito dahil hindi na niya nakikita ang mga ito sa kanilang lugar.

"Pre, nakikinig ka ba? May kausap ba ako?" Kanina pa nagsasalita ang katrabaho ni Levi pero hindi naman ito nakikinig.

"Sorry may iniisip lang." Nang naagaw na ang atensyon niya sa kasama.

Huminga ng malalim si Jonathan, pangalan ng katrabaho ni Levi. "Ano ba yan? Gusto mo bang pag-usapan?" Tapat na tanong sa kaibigan.

"May gusto kasi akong hanapin, pre. Pero nagdadalawang isip ako baka hindi niya ako gustong makita. Nasaktan ko eh!" Pagtatapat ni Levi.

"Babae ba yan?" Tanong ulit ni Jonathan.

Nagkwento naman si Levi tungkol kay Luna. Lahat ng nangyari bago siya umalis at pumasok sa training. Naikwento niya rin kung paano siya nakipaghiwalay sa babae.

"Naku! Mahihirapan ka niyan. Tsaka sa tagal na baka may asawa na yun ngayon." Komento ni Jonathan.

"Kahit na, gusto ko lang siya makita para sigurado akong okay siya. Gusto ko rin humingi ng tawad ulit."

"Siya ba ang rason kung bakit single ka pa ngayon?" Tanong ni Jonathan.

Hindi makasalita si Levi kung kaya't alam na ni Jonathan ang sagot sa tanong niya. Maya-maya pa ay bumalik na sila sa mga trabaho nila at hindi na umimik.

Pauwi na sana si Levi nang may nakita siyang pamilyar na lalaki papasok sa department store. Agad-agad naman itong bumaba sa kotse at sinundan ang lalaki. Nagkunwari siyang may bibilhin kaya kumuha ito ng hand carry na basket. Naghanap lang ito ng tyempo para makausap ang dating kaibigan.

"James!" Tawag nito. Napatingin naman si James at medyo nabigla siya pero hindi niya ito ipinakita.

"James, si Levi to." Nagpakilala ang lalaki.

"Alam ko." Mahinang sagot ni James at umalis sa harap ng dating kaibigan. Natawa si James sa pagpapakilala ng lalaki.

Sinundan pa rin ito ni Levi dahil kapansin-pansin ang mga binibili nito. Gamit pang babae at mga pagkain.

"Kumusta na kayo? Long time no see ah?" Tanong ulit ni Levi kahit hindi naman siya sinasagot ni James.

"Para sa pamilya mo ba yan? May asawa ka na? Tsaka si Luna, okay ba siya?" Sunod-sunod na tanong nito.

Naiinis si James kay Levi kaya natigil ito sa pamimili at humarap sa lalaki. Nagtitimpi lang ito dahil gusto na niya itong sapakin, noon pa man ay gusto na niya saktan si Levi dahil sa ginawa nito.

"Gusto sana kitang sapakin pero nahihiya ako sayo, Police Lieutenant Garcia!" Diniin ni James ang pagbigkas ng Garcia. "And yes! We're okay, Luna is fine and it's none of your business. So step back, Sir. Do not bother us anymore." Galit na sabi nito at umalis nalang sa department store dahil pinagtitinginan na sila ng ibang customers.

Napag-isipan na lang ni Levi kung saan niya maaaring makita si Luna. Wala naman siyang balak manira ng pamilya kung may pamilya na ang babae; gusto niya lang itong makita para masiguro okay ang kanyang dating nobya.

Ilang araw ang nagdaan at pabalik-balik si Levi doon sa department store kung saan niya nakita si James. Doon na rin siya bumili ng pagkain nito para hindi naman masayang ang pag daan niya doon. Habang namimili siya ng drinks ay may naamoy siyang pamilyar na pabango kaya napatingin siya doon. Lumuwag bigla ang pakiramdam niya nang makita nito ang babae.

LUNANơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ