6: LUNA

209 2 6
                                    

Matapos ang ilang buwan na pagta-trabaho ay sa wakas nakaapak na rin kami ulit ng Pilipinas. Nasa waiting area na ang mga parents ko at sasabay na lang sa amin Shanty dahil hindi siya masusundo ng family niya. Masaya akong lumapit kay Mommy at Daddy, finally makakatikim na rin ako ng dish nila. Niyakap nila ako pareho, hinalikan pa ako ni Dad sa noo at sinamaan siya. Hindi na ako bata para dun.

"Welcome back, guys!" Bati naman nina Trish at Leen. Sumama rin sila sa parents ko, may konting salo-salo daw kami sa pina-reserve nilang restaurant kaya inaya ng parents ko silang dalawa.

Next week pa ang uwi namin sa Cebu dahil may gagawin na importante sina Mommy para raw sa business namin. Ngumiti naman ang mga kaibigan ko nang marinig nila ang sinabi ng parents ko, may time pa raw kami na mag-party dito sa Manila.

"Ang payat mo na, Luna. Stress ba sa US?" Pabirong saad ni Trish habang papunta na kami sa reserved restaurant.

"Hindi kasi yan kumakain doon dahil alam niyo na," pinisil ko agad si Shanty dahil baka marinig siya ng parents ko. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa relationship. Ayoko!

"Iba kasi ang pagkain doon, gusto ko ang mga luto ni Mommy." Ngumiti naman si Mom nang marinig iyon. Nambola pa raw ako.

"Pero true ka, Luna. Namiss ko nga ang sinigang ng Lola ko eh kaya yun ang una kong pinaluto sa kanya." Kwento naman ni Leen.

Natahimik na rin ang mga kaibigan ko kaya nagpasya akong umidlip na muna, medyo malayo pa raw kasi ang pupuntahan namin. Mahaba rin ang naging biyahe namin kaya ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, buti nalang talaga may konting oras pa para magpahinga.

Ginising ako ni Trish, pagbukas ko ng mga mata ko ay wala na sina Mommy sa harap kaya kumunot ang noo ko. Ngumiti lang si Trish sa akin at ginising rin si Shanty na kasama ko pala nahuli sa car. Pareho kaming bumaba ang napansin ang isang restaurant na madilim, diretso lang ang lakad namin huli na nung na proseso ko kung ano ang nangyari dahil pumutok na ang party popper sa harap namin ni Shanty.

"Welcome Home Shanty and Luna!" Sigaw nilang lahat. 

Masaya akong humarap sa kanila. Maraming tao na malapit sa amin pareho ni Shanty, ang parents nito ay nandito rin, ito pala ang rason bakit hindi ito nasundo sa airport. Lumapit agad ako kay Grandma dahil nakita ko siyang nakaupo sa wheelchair nito. Niyakap ko siya dahil namiss ko rin ang mga advice niya sa akin tungkol sa pagpasok ng isang relasyon.

"Welcome Home, Dear!" Bati nito at inamoy ang buhok ko.

"La, mabaho yung buhok ko dahil sa mahabang biyahe." Suway ko sa kanya at medyo lumayo sa kanya.

"I doesn't matter. I miss my grandchild kaya," sabi naman nito at tumawa lang ako.

Nagsimula na kaming kumain dahil medyo late na rin. May sariling hotel din itong restaurant kaya dito rin sila nag check in para dito na magpalipas ng gabi. Nasa kalagitnaan kami sa pagkain namin nang may narinig akong maingay sa labas, kumunot ang noo namin ni Shanty dahil kami lang siguro ang nakarinig. Pareho kami ng expression kaya kami lang din ang natawa.

"Hindi ako aware na kapag galing sa US ay nababaliw na." Pareho rin kaming natawa kay Trish kaya mas lalo kaming tumawa.

"Gosh, Luna are you mocking me!" Tawa pa rin ng tawa si Shanty.

"No kaya," sabi ko at hindi mapigilang tumawa.

Nasira ang tawanan namin nang bumukas ang pinto ng restaurant at tumambad ang pagmumukha ni Levi. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti ito sa akin. Sinalubong ito ni Mommy kaya halos mag alburoto na ang sarili ko sa nakita. Agad naman nabawi ang inis ko nang makita rin sila Wiil, Jem at James. Lumapit ako sa kanila at masayang niyakap.

LUNAحيث تعيش القصص. اكتشف الآن