20: LUNA

57 2 1
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V

Naiwan si Luna na tulala. Habang nasa kama ay patuloy niya pa rin binibigkas ang pangalan ng lalaki. Maya-maya pa ay dumating si Gela na may dalang kape na paborito ng kaibigan. Binigay niya ito at nabigla siyang hindi tinanggap ni Luna ang dala.

"Luna, it's your favorite! Caramel Macchiato na kape." Pag-agaw ng atensyon ni Gela pero si Luna ay nakatitig lang sa cake.

Kinuha ni Gela ang cake at nagtaka ito kung bakit may ganito sa room niya, hindi naman nito naalala na nagdala siya ng carrot cake, kahit si James ay hindi nakita. Binawi naman ni Luna ang cake at masaya niya itong kinain.

"Sino ang nagbigay ng cake sayo, Luna?" Seryosong tanong nito. "Pwede ka bang tumango kung tatanungin ko kung may dumadalaw dito maliban sa amin ni James?' Tanong ulit ni Gela at napatingin sa kanya ang kaibigan.

Tumango naman si Luna na kinabigla Gela. Unang beses kasi nag-respond ang kaibigan sa tanong nito. Mas lumaki ang tiwala niya na babalik si Luna sa dati dahil sa naging improvement niya lately. Noon kasi ayaw niyang may pumapasok sa room kahit na sina Gela at James pa yan. Hindi niya rin sinasagot ang mga tanong na parang walang maintindihan. Ayaw niya ring may kumausap sa kanya at tinatakpan ang tenga nito.

Naging emosyonal Gela. "Kilala ba natin yung dumalaw sayo?" Mahinhin na tanong nito. Tumango ulit si Luna sabay ngiti. "Kaibigan ba natin?" Tanong niya ulit.

Hindi umimik si Luna at nilapitan niya lang ang kaibigan, binigyan niya si Gela ng cake at walang pagdadalawang isip na tinanggap ni Gela.

"L-le!" Nahihirapang saad ni Luna.

"Oh my God, did you speak ba?" Nagulat ng husto si Gela. "Ano ang sabi mo? Pakiulit nga?" Excited nitong sabi.

"G-gela... S-sala... m-mat!"

Dahil sa tuwang marinig ni Gela ang kaibigan ay niyakap niya ito. Niyakap naman siya pabalik ng kaibigan na mas lalo niyang kinasaya.

"Ipagpatuloy mo lang yan, Luna!" Bulong nito.

Iniwan niya muna ang kaibigan dahil natutulog na rin naman ito. Pumunta si Gela sa front desk para magtanong kung sino ang bumisita kay Luna. Pagkarating niya doon ay nakasalubong niya si James kaya nawala sa isipan niya ang gustong tanongin.

"James!" Excited na nilapitan ni Gela ang kaibigan. "You can't believe this!"

"Ang saya mo yata?" Tanong ni James habang tinatanggal ang jacket sa katawan.

"Luna just talk, James!" Hindi mawala sa mukha ni Gela ang ngiti. "Yes. Tama ang narinig mo."

"Wow! Diba sabi ng doktor niya posibleng hindi na siya makapagsalita?" Hindi makapaniwala na tanong ni James.

Tumango si Gela. "But Luna is fighting, James. Alam kong babalik siya sa dati." Positibong saad ni Gela. "Tawagan kaya natin ang doktor niya para malaman niya ang improvement ni Luna." Sabi pa niya at tumango naman si Levi.

Nakabalik sila sa room ni Luna na mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon. Papunta na rin ang doktor niya para konsultahin si Luna. Habang nagpe-prepare si Gela ng gamot para sa kaibigan, biglang na patanong si James.

 "What if this didn't happen to Luna?" Seryosong tanong ng kaibigan.

Medyo natigil si Gela sa ginawa at napatingin kay James. "Malamang CPA na yang kaibigan natin." Mapakla itong ngumiti. "Alam naman natin yan, napaka sipag." Komento pa nito.

"If hindi umalis si Tita, siguro hindi naging ganito ang naging buhay nila." James said while caressing Luna's hair. "I am not blaming Tita entirely, but if the third party hadn't done it. Hindi magagawa ni Tito yun tsaka hindi naging ganito si Luna kahit nawala man noon si Levi." Patuloy ni James.

LUNAOnde histórias criam vida. Descubra agora