16: LUNA

69 1 0
                                    

LUNA'S POV

Nagising ako nang may nararamdaman akong may humahaplos sa buhok ko. Ngumiti ako kahit hindi ko pa nakita ang mukha nito dahil alam ko naman na ang boyfriend ko yung gumising sa akin. Kagabi pa niya ako ginugulo sa panaginip. Inayos ko muna ang mukha ko saka ako tuluyang bumangon. Nagulat ako nang si Will pala ang nasa kwarto ko.

"Good Morning, bebe girl!" Bati nito sa akin at sinamaan ko lang siya ng tingin. "Eto naman ang aga-aga."

"Akala ko kasi si Levi, hindi pala." Sabi ko habang nagliligpit ng higaan. "Akala ko rin kasi hindi ka pupunta ngayon." 

"I change my mind, dear!" Sagot naman nito.

"Nakita mo ba sa baba ang boyfriend ko?" Tanong ko kay Will at napansin kong nagligpit na rin siya ng higaan ko.

"Hindi nga eh, kaya ako dumiretso dito. Akala ko nandito kayo pareho pero ayun, wala rin pala." Pahayag nito at tumango lang ako.

Maybe he's tired lang kaya hindi nakapunta rito. Hindi ko nalang muna siya kukulitin, he also need to rest.

Hindi ko nalang muna inisip ang hindi pagpunta ni Levi ngayong araw, naging busy rin ako sa pag-aasikaso ng mga bumisita kay daddy. Wala akong ibang inaasahan dahil ako lang naman ang anak ni daddy. Si grandma hindi pwedeng mapagod kaya kahit pagod ako ay hindi ako tumigil, ngumingiti pa rin ako.

"Luna, magpahinga ka muna. May exam ka pa sa susunod na araw iha, hindi ka pwedeng mapagod." Paalala sa akin ni Ate at tumango lang ako.

Hindi ako kumibo at tumango na lamang ako. Alam ko naman ang ginagawa ko, gusto ko lang pagsilbihan si daddy habang nakikita ko pa siya. Gusto ko pa sanang mag take ng CPALE tapos pag-uwi ko makikita ko pa siya.

"Saan ka na ba kasi, Levi!" Pagdadabog ko habang tinitignan ang phone ko. Waiting for him to update on his whereabouts. "Kapag hindi ka magpakita sa akin ngayong araw ay ewan ko nalang talaga." Dagdag ko pa.

I tried to call him, but it just kept ringing without any answer. I also texted his mother but there was no response. Nag-aalala na ako kung ano na ba ang nangyari sa kanya, gusto ko sanang puntahan sa bahay nila pero ayaw ko naman iwan ang bahay dahil kay daddy. Wala akong magawa sa mga oras na yun kaya pinalipas ko nalang ang oras at nag try mag review.

"Wala talagang pumapasok, jusko naman Levi!" Sigaw ko sa salamin.

I scroll again my phone para tingnan kung may nag message and I got excited nang mag pop up ang mukha ni Levi. Thank goodness!

Hi Love, I'm sorry kung hindi ako nakapunta jan. Super busy lang today, alam mo naman si daddy diba? Don't worry, I'll try maka-visit ulit sayo at kay tito. Ingat ka palagi, I love you!

Because of this message, I felt a bit relieved. I know how strict Tito can be when it comes to his children's lives. I decided not to bother Levi for now, and I just replied before turning off my phone.

Day six na ng lamay ni daddy pero hindi pa rin nakadalaw ulit si Levi. Hindi ko alam pero iba na ang kutob ko. Sobrang busy naman ata ni Levi para hindi maka dalaw sa akin kahit isang oras lang. Hindi naman malayo ang bahay namin, ilang minuto lang ang biyahe. I started to overthink whether Levi is going to leave me without any reasons. Pilit ko man pinapagaan ang sarili ko pero hindi ko magawa, hindi na rin kasi nakakadalaw ang mga kaibigan ko dahil may sari-sariling buhay naman sila.

I was devastated. I didn't know what to do first, whether I should review for board or look for Levi. I was in turmoil, mourning at my dad's wake while also longing for my boyfriend's love. It was the seventh day of my dad's wake, and I got sick from not eating. I lost my appetite, I needed Levi, I needed my dad, and I needed myself.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon