19: LUNA

68 3 1
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V

Matapos nilang kumain sa restaurant na yun ay sinubukan nilang kausapin si James pero nagdadahilan lang ito na maraming customers kaya sa labas lang sila naghintay hanggang sa makalabas ang lalaki. Alas syete na ng gabi nang lumabas ang lalaki kaya naghanda na rin sila sa pagsunod.

"Tingin mo pre, totoo kaya yung hinala mo na baka sila ng ex mo yung nagkatuluyan?" Tanong ni Jonathan habang sinusundan nila ang kotse ni James,

"Hindi pre, parang impossible na." Sagot naman ni Levi.

Habang nagmamaneho ang lalaki, nagtataka siya kung bakit hindi pamilyar sa kanya ang daan. Kaya nakompirma niyang lumipat na ito ng bahay at may pamilya na siya. Ilang minuto pa ang nagdaan at hindi pa rin humihinto si James kaya na patanong na lang si Jonathan.

"Ba't ang layo ata ng bahay ng kaibigan mo, pre?"

"Hindi ito yung daan ng dating bahay nila. Diba na kwento ko na pinuntahan ko yung bahay ni James pero iba na yung nakatira." Sagot ni Levi.

"Ayaw na ata talaga nilang makita ka, pre. Biruin mo, umalis pa talaga sa bahay nila." Komento naman ni Jonathan.

Nang nakita nila si James na huminto ay huminto rin sila agad sa di kalayuan at tama lang na makita nila ang mga nangyayari. May lumabas na babae galing sa gate at nagbeso pa kay James.

"So, Gela and James are together." Pag kompirma ni Levi.

"Nice couple ha, ang galing din ni James pumili." Komento ulit ni Jonathan.

"Kaibigan din naman yan, siya yung Gela na tinutukoy ko noong nasa department store ako." Pahayag ng lalaki.

Naghintay sila ng ilang minuto, nagbabakasakali na lumabas si Luna pero wala naman silang napala. Nagdesisyon na silang umuwi dahil medyo lumalim na rin ang gabi. Nakarating sila sa bahay na tinutuluyan ni Jonathan at nagpasalamat ang lalaki sa pagsama nito ng buong araw.

Pumasok si Levi sa kwarto niya at kinuha ang picture frame na kasama niya si Luna. Tinitigan niya ito sabay ngiti.

"My pretty, girlfriend. I'm so sorry moon!" Ngumiti ng mapakla ang lalaki habang hinimas-himas ang litrato. "Just hoping you're okay, iba kasi yung nararamdaman ko." Dagdag pa nito.

Natigil ang pagtitig niya nang may kumatok sa pintuan nito. Inaya na si Levi na kumain, ayaw niya pa sanang kumain pero alam naman niya na magiging issue sa papa niya ang hindi pagbaba kaya lumabas nalang ito.

"Kain na," pag-aya sa mommy ni Levi. Ngumiti lang ito at umupo na rin.

"Five years ago, Levi." Pagsasalita ng papa nito. "Hindi mo pa rin ba ako mapapatawad?" Tanong ng ama.

Nag pigil sa galit ang lalaki. "Huwag po natin sirain ang gabi, masarap pa naman ang ulam." Tanging sabi nito.

"Levi, anak!" Tinawag ito ng ama. "Tingnan mo naman ngayon ang narating mo, kung hindi ko yun ginawa ay siguradong wala ka diyan sa posisyon mo." Mahinahong saad nito.

Mahirap na magsalita ang papa ni Levi dahil sa pagka stroke niya, mayroon din itong kanser kung kaya't wala na siya sa serbisyo. Malaki ang galit ni Levi sa ama, kaya ganun na lamang ang pakikitungo nito sa papa niya.

"Paulit-ulit nalang tayo, Sir Garcia." Walang ganang saad nito. "I still respect mommy kaya nandito ako sa bahay niyo, if it's not for her malamang hindi mo na ako makikita."

"Levi!" Pagpigil ng ina.

"Mom, totoo naman eh. Diba sinabi ko na sayo na gusto ko ng umalis? Kaso nagmamakaawa ka sa akin eh." Medyo tumataas na ang boses ng lalaki. "Ayaw ko na siyang makita, mom. Dahil sa kanya, nawala si Luna. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. So please, wag mo na ipaalala sa akin ang nangyari five years ago." Sabi nito at bumalik na sa kwarto kahit hindi pa naubos ang pagkain.

LUNAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz