13: LUNA

89 2 0
                                    

We are now heading to Mabini Sky View Resort; this is the place I pick because of the cozy and relaxing ambiance. Me and my circles are complete, and we are all excited to go. This is our first trip with Dad, and hopefully there will be more like this.

Dad is now driving the car, and James is sitting in front seat since he knows how to drive so that he can change Daddy when he gets tired of driving. I chose the Suzuki APV so we could fit together. This is the perfect car for friends on trips like this. Katabi ko si Levi sa backseat, katabi naman sila Jem at Will na kanina pa kuda ng kuda at ang tahimik na sina Gela at Frank.

"Tito, stop the car!" Panggagaya ni Will sa pelikula. 

Tumawa lang naman si Daddy. Pinatulan ko na rin ang mga jokes ni Will kaya talagang maingay kami papunta sa resort. Hindi na namin nakita ang pagpalit ni James kay Dad dahil sa kulitan namin. Hindi naman nairita si Daddy kaya nagpatuloy lang kami.

"Moon, you tired?" Bulong sa akin ni Levi sa tabi at umiling lang ako. "Baka mapagod ka, wala ka ng energy mamaya pagdating natin sa resort." Patuloy niya.

"Tito oh, si Lover boy ang harot sa anak niyo." Pagsusumbong ni Jem.

"Kaya nga tito, kaya pala may maraming langgam dito sa car niyo." Dagdag pa ni Will.

"Alam niyo tito, ganyan talaga ang behaviour ng mga walang jowa." Sagot naman ni Levi sa kanila kaya mas lalo umingay sa loob ng kotse namin.

"Basta Levi ha, yung usapan natin. Masaya na ako dun kapag tinupad mo." Dad ends the commotion in the car.

Lumapit pa si Will kay Levi at tinanong ang tungkol sa sinabi ni Daddy. Ewan ko nalang kay Will, hindi napapagod sa pangungulit sa isa sa amin. Patago akong ngumiti sa sinabi kay Levi at napa inom ng tubig. Grabe hindi nawala yung kilig ko dahil sa pag bitaw niya ng salitang yun.

Nakarating kami sa resort at na amaze kaming lahat. Kahit medyo madilim na ay nagpakuha na ng mga pictures si Will kay Jem. Hindi na muna ako sasabay sa kanila ngayon dahil hindi ko gusto ang mukha ko, lalo na ang outfit ko hindi bagay sa venue.

"Moon, okay ka lang?"

"Yes, I'm okay. Masayang-masaya nga ako eh, dahil napapasaya natin si daddy." Sabi habang tinitignan sila Will.

"Kahit pa hindi niyo sabihin, gagawa talaga kami ng paraan para mapagaan ang pakiramdam niyo. I know how it feels, kahit hindi ko pa man nararanasan." Habang sinabi iyon ni Levi ay hawak-hawak niya ang kamay ko.

"Kung wala siguro kayo ay lugmok kami pareha ni daddy, swerte ko rin sa inyo." Ngumiti ako sa kanya.

Habang lumalalim ang pag-uusap namin ay lumapit si James sa amin, pinapasok na kami para daw kumain na muna. Pagpasok namin ay naka-order na pala si daddy, ready na ang table at kami lang ni Levi ang hinihintay. Hindi nagtagal ay kumain na kami ng sabay. Hindi nawala ang kulitan namin kahit nasa hapag kami.

"Dad, ang dami ng order mo." Reklamo ko sa kanya dahil busog na ako at hindi pa nagkalahati ang pagkain sa mesa.

"Luna, alam mo namang ubos yan mamaya dahil kay Frank." -Will

"Tsaka, si Jem? Sus wala yan!" Pagsasalita ni Frank.

"Grabe naman kayo sakin." -Jem

Natapos kaming kumain at dumiretso kami sa infinity pool nila kitang-kita ang magandang tanawin. Iba talaga dito, tama ang napili kong resort. Hindi na muna sumama si daddy sa amin dahil napagod na raw siya at bukas na lang siya babawi. Masama rin naman sa kanya ang magpuyat kaya hinayaan ko na. Nag-order ng alak ang mga kaibigan ko kaya kami ni Will ang naiwan sa pool. Biglang sumeryoso ang mukha niya.

LUNANơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ