2: LUNA

359 6 0
                                    


Nasa dorm ako at nagre-relax nang maalala ko ang nangyari sa beach noong nakaraang linggo. I'm exhausted from that time, but I'm still able to mask my feelings. Kumuha ako ng bote ng alak at nilagok, since ako lang naman sa dorm ay magagawa ko ang gusto kong gawin.

If I were only listening!



-At Lambug Beach, Badian, Cebu-

Nasa cottage kami sa tabing dagat at hinihintay sina Gela, Frank at James. Hindi ako makatingin kay Levi dahil naiinis na ako sa ginagawa nila. Ang kapal ng mukha ng dalawang to, harap-harapan talaga ha. Nilapitan ulit ako ni Will at Jem at inaya ako mang lakad-lakad na muna sa dagat. Huminga ako ng malalim bago ako humarap sa kanila.

"I'm sorry, Jem." Panimula ko. "Nagalit pa ako sayo dahil akala ko siniraan mo lang siya," malungkot na saad ko.

"Wala kang kasalanan no, mahal mo lang ang isang tao." Kumunoot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong mahal? Hindi no!" Tanggi ko.

Tumawa si Will, "Masasaktan ka ba ng ganyan kung hindi mo mahal?"

"No, I'm not hurt. Naiinis lang ako," tanggi ko ulit.

"Ganun na rin yun, anong rason mo sa inis mo na yan kung hindi mo mahal?" Saad ulit ni Will.

Maya-maya pa ay narinig namin ang sigaw ni Gela kaya nag pasya kami na bumalik na sa cottage. Nag-iihaw na ang mga boys kaya nag start na rin kaming mag arrange ng mga food para sa mukbang namin. We have rice, grilled shrimp with cheese, baked king crab, fried lumpia, grilled pork and fish. Hinintay lang namin matapos ang boys sa pag-ihaw para kumain na kaming sabay.

"Most Punctual award goes to, Gelaaaa!" Pangungutya ni Will dahil matagal dumating sina Gela.

"Masipag kasi akong estudyante kaya tinapos ko pa homeworks ko no," mataray na sagot nito.

"Bili tayong alcohol, yung mojitos sana." Pagsasalita ko kaya napatingin silang lahat sa akin. They have no idea na umiinom na ako ngayon. "Wow, gulat na gulat. Kung ayaw niyo ng bumili, edi ako na." Nakangiti kong sabi sa kanila at umalis na.

Pagbalik ko ay ready na pala ang foods at ako nalang ang hinintay nila para makakain, hindi ko pa rin tinapunan ng tingin si Levi at ang babae niya. Hindi ko kaya!

Pagkarating na pagkarating ko ay nagsimula na kaming kumain, sa unang pagkakataon ay tumingin ako kay Levi at laking gulat kong nakatingin rin siya sa akin. Hindi ako bumitaw agad at ganun rin ang ginawa niya. Maya-maya ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Ay ang sama ng tingin ni Luna o," pagsasalita Frank habang kumakain. Sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Why naman Ate Luna?" At nag salita rin ang babaeng kasama ni Levi at tinawag pa akong Ate. Muntik na akong mabulunan sa sinabi nito. WTF!

Tumawa ang mga kaibigan ko pati si Levi dahil sa pag tawag sa akin ng Ate, alam kasi nilang ako ang pinakabata sa grupo at walang tumatawag sa akin ng ganun. Inis ko silang tinignan isa-isa at tumigil na lang sila.

"Ay sorry, magka edad lang pala tayo? 19 pa lang kasi ako." Pagsasalita nito ulit at na irita na ako sa boses nito.

"Sorry, Luna ha." Maikling sabi ni Levi. "Alam mo Lex, ka ka-nineteen pa lang ni Luna. Ikaw magtu-twenty na this year." 

"Ang sakit ng pagka-salita mo, Levs ha!" Sabi ng babae.

Hindi ko nalang pinatulan ang pangungutya nila dahil naiinis lang ako lalo, nakiki-tawa nalang ako sa mga joke Will at Jem. Naging effective naman at hindi na napunta ang usapan sa amin ni Levi. Nang matapos na kaming kumain ay sa sand na kami umupo at nag simula na rin ang shots namin, nagpasya silang mag laro kami ng truth or dare. Hindi pa man kami nag simula ay tinawagan na ng parents si Lexa kaya umuwi na ito. Much Better!

LUNAWhere stories live. Discover now