8: LUNA

125 3 0
                                    

After ko bumisita sa hospital noon kay Levi ay nag deactivate muna ako sa social media ko except twitter. My circle of friends are not active kaya okay lang na mag rant ako doon. Nasa Manila na ulit ako dahil dito na rin ako magre-review for my board exam. Six month akong magre-review kaya may idadahilan ako sa mga friends ko kung sakali magtatanong sila sa pagkawala ko sa social media.

Buo na ang desisyon kong layuan si Levi, for how many years ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling, ang feeling na malaya na ako sa kanya. I can shine alone without Levi, mas napamahal ako sa sarili ko nung ako nalang mag-isa. And I know marami pang lalaki na handa akong panindigan, yung hindi natatakot.

After nung graduation namin ay umalis si Shanty papuntang US at hindi pa raw siya mag take ng board exam, si Leen naman ay sa ibang review center nag-enroll  kaya kaming dalawa lang ni Trish magkasama. Hindi naman kami same ng dorm ni Trish dahil iba pa rin talaga ang may privacy. We are different from other reviewee na napaka seryoso, nag set kami ng day every week ni Trish para mag night out.

"Bakit ang tahimik mo, Luna. Let's just enjoy this night dahil balik na naman tayo sa realidad this coming Monday." Nabalik ako sa huwisyo nang uyugin ako ni Trish.

"May iniisip lang. Wag kang mag-alala, susulitin ko na naman ang gabing to. Watch me, Trish." Paghahamon ko sa kanya.

Last night out kasi namin ay para akong asong nakalabas sa kulungan, hindi ko na alam kung sino ang mga naisayaw ko sa dance floor. Nahirapan pa siyang pakalmahin ako kaya tinawagan niya na ang boyfriend nito. Kinuwento niya ito sa akin kinabukasan at marami akong sapak na nakuha dahil gusto niyang gumante.

"Ay, wag na lang pala. Tumunganga ka nalang jan, Luna. Hindi tayo matutulungan ni Lloyd dahil nasa probinsya pa siya ngayon." Tumawa ako sa reaksyon niya kaya mas lalo niya akong sinamaan ng tingin.

"Chill. Kaya ko na ang sarili ko," pagtatanggol ko sa sarili ko.

Matapos nun ay nag simula na kaming mag-inom. Nakasabayan din namin ang mga batchmate namin sa college kaya marami kaming iinomin ngayon. Mahirap akong magtiwala sa nakakasama kong mag-inom pero dahil kaklase ko naman sila noon ay hindi akong nagdalawang isip sumabay sas kanila. Medyo nahihilo ako kaya nag pasya akong pumunta sa dance floor para mahimasmasan ako. Wala namang nakakakilala sa akin kaya todo sayaw lang ako.

"Hi!" Bati sa akin ng lalaki. Mas matangkad ito sa akin kaya tumingala pa ako sa kanya. Ngumiti ako lang ako sa kanya dahil hindi ko naman siya bet sayawan. "Can I get your name? You're beautiful as the moon tonight. Want to see them outside?" Medyo nabigla ako sa pagka english speaking niya.

Ngumiti pa rin ako. "No, I'm fine. I just want to dance lang." Sabi ko sa kanya at patuloy sa pagsayaw. Hindi siguro siya into dance dahil hindi niya naman ako sinabayan, tinignan niya lang ako at kung nakakapatay ang titig ay kanina pa ako nakalatay sa sahig.

Maya-maya ay may nararamdaman akong nakamasid sa akin. Hindi ko sana ito papansinin pero bigla niya lang hinawakan ang private part ko kaya humarap ako sa kanya agad. Ngumisi ito sa akin.

"Ang bastos mo ah," sigaw ko sa lalaki. Hindi pa siya na kuntento, lumapit pa siya sa akin at akmang hahawakan ang boobs, sinutok agad siya sa lalaking inaya akong lumabas kanina. Hindi siya nagsalita at kinuha niya lang ang kamay at hinigit papunta sa labas, hindi ako nakapalag dahil mahigpit ang pagkahawak nito sa akin. Hihingi sana ako ng tulong kay Trish pero busy naman siya sa mga batchmates namin.

"Don't worry, I'm not a bad guy." Sabi nito at hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad.

Nakalabas kami sa club at medyo nahimasmasan ako dahil sa nangyari. Hindi ako makatingin sa lalaki dahil naiilang ako at hindi ko rin naman siya kilala. Nang binalik ko sa kanya ang tingin ko ay nagulat akong nakatingin din pala siya sa akin.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon