9: LUNA

139 2 0
                                    

I can't even begin to describe how I'm feeling right now, but all I can say is that it hurts a lot. It hurts me a lot. I thought I was okay. I thought it wouldn't hurt when it came to Levi.

I found myself on my dorm's veranda after what happened in the club. May hawak pa akong bote ng alak at nakatunganga lang ako dito. Naisip ko ang sinabi ni Levi kanina, I wouldn't deny to myself that I missed him. I missed the care of him, gustuhin ko man ay hindi na pwede.

"Gosh Luna, wake up! You need to be strong!" Pakikipag-usap ko sa sarili ko. "If he really like you, hindi niya yun magagawa. Sinabi niya lang yun dahil alam niyang nakapag-desisyon ka na. Don't low your standard, Luna!" Dagdag ko pa.

Nagpatuloy pa ako sa pag-inom at pilit wag isipin si Levi. Maya-maya napatingin ako sa facebook dahil may nag notif, dahil sa kalasingan ni Trish ay ang account ko pa ang nagalaw niya. Nag scroll pa ako sa newsfeed nang makita ko ang post ni Jem, two days ago na ito at picture ng mga circle of friend ko.

"Happy knowing that I am surrounded with best people!" Pagbabasa ko sa caption nito.

Napangiti ako ng mapakla, siguro nakalimutan na nila ako. Nagbasa pa ako ng comments and it hurts me more.

Will Capistrano: Nice picture and nice people in one frame.

Gela Quizon: For more years to celebrate this kind of friendship!

Frank De Guzman: Solid tayo, walang iwanan.

Napansin ko ang luha kong tumutulo galing sa mga mata ko, ang sakit pala basta mga kaibigan mo na ang binabalewala sayo. Kahit pa nasaktan ako ay nag heart reaction pa ako. Nilalak ko nalang ang huling bote ng alak at nagpasyang matulog na.

Kinabukasan ay tinamad akong bumangon dahil dumadaloy pa ang alak sa sistema ko. Tinawagan pa ako ni Trish na mag bulalo raw kami but I refuse dahil wala ako sa mood umalis ngayon. Kinuha ko ang phone ko at nag scroll ulit ako sa facebook. A shared post of Levi appeared in my feed.

"I guess, I'll start moving on now!" Pagbasa ko sa shared post nito.

At dahil gusto kong masaktan, ini-stalk ko siya at nagbasa pa sa mga shared post niya. May shared post siya 12 hours ago.

"One minute I find myself doing okay, but then it all just starts hitting me again and I start realizing I'm not okay at all."

"Life must go on" Ito lang ang nakasulat sa shared post pero may caption siyang, "But without her, I can't."

Hindi na ako nagpatuloy dahil hindi ko alam kung ano pa ang nararamdaman ko kapag may makita pa akong ibang post niya. Baka hindi ko na matiis at matawagan ko pa siya. On that day, I busied myself cleaning my dorm and getting enough rest for tomorrow. Back to review na naman kami, and I promise myself to focus and set aside all the emotions. I can't afford to miss the lessons just because of Levi.

"Luna, ready ka na ba bukas? Three months na pala tayong nag re-review no. And three more months, mag e-exam na tayo." Pagsasalita ni Trish sa kalagitnaan ng pagkakape namin.

May post test kami bukas dahil exactly three months na kami, gusto lang nila malaman kung may nakukuha ba kami sa mga turo nila. Nasa coffee shop kasi kami ngayon, dahil Sunday ay binuhos na namin ang pagrereview, may discount kasi kapag maka top 3 bukas sa post test.

"Bakit parang tahimik ka na naman?" Tanong sa akin ni Trish at pilit agawin ang atensyon ko sa kanya. "Hello, nakikinig ka ba?"

"I miss Levi." Dahil sa sinabi ko ay nakatanggap ako ng sapak galing sa malapad na kamay ni Trish. "Totoo, Trish. Mas lalong tumatagal ay mas lalo ko siya na miss." Dagdag ko pa.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon