Chapter 2: The Wild

22.9K 651 435
                                    

Chapter 2: The Wild


NAPABUGA ako ng hangin habang pinagmamasdan ang masikip na kwarto hindi naman sobrang sikip. Tama lang sa isang tao. May isang bintana sa left side then one bed. One wooden Cabinet for my clothes, kulay puti rin ang wall dito. Siguro pag naka luwag luwag ako bibili ako ng wallpaper para may design rin ang kwarto ko.



Actually sa kwarto ni Lola sana ako papasukin pero umayaw ako. Natatakot ako e. Kakamatay lang ni lola baka multohin ako. Hindi naman ako takot kay Lola sadyang matatakutin lang talaga ako pagdating sa mga multo.




Kakaayos ko lang ng mga gamit ko dito sa kwarto. Nailagay ko na ang mga damit ko sa cabinet. Hindi na kailangan linisin ang kwarto dahil malinis na talaga. Naka tiles at mabango pa sa loob. Hindi katulad ng ibang kwarto ng isang kasambahay na masikip na nga mabaho pa.



Nang makabalik kami dito ni Tina naghiwalay na kaming dalawa dahil may trabaho pa raw siyang gagawin at tawagan ko na lang raw siya pag may kailangan ako. Now I wonder where is she. Siya lang ang close ko na ditong kasambahay. Halos naman kasi sa ibang kasambahay may mga edad na. Kaya hindi mahirap makipag close kay Tina.



Nag fucos ako para matulog dahil pagod sa mga ginawa pero kahit anong gawin ko hindi ako makatulog. I already imagine fake scenarios just to make me fall asleep pero wa epek.




Bumuntong hininga ako saka umupo at tinignan ang cellphone ko. 9:58 na ng umaga. Napagdesisyunan kong lumabas na muna para mag libang. Siguro maglilinis or mga pwede gawin ko sa bahay. Tumungo ako sa back door kasi malapit lang sa backdoor ang kwarto ko. May naabutan ako doon isang kasambahay na naglilinis ng pool. Lumapit ako sa kanya para mag tanong.





"Ate?, Saan po pwede may gawin? Ahm, bago lang po kasi ako dito,"





Humarap siya sakin at nagulat pa ng makita ako.




"Ah, oo kilala na kita. Ikaw yung apo ni Lola Cory, ang ganda mo pala talaga dalaga huh," aniya matapos akong mapag Masdan. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Naku iha sakto. Umalis si Mang Kanor yung gardener namin. Hindi pa nadidiligan yung mga halaman ni Madame, paki diligan na lang iha, jan sa may garden," tinuro niya ang isang entrance na garden talaga galing na kami doon ni Tina.





"Sige po, Salamat,"





Matapos kong magpaalam tumungo na ako sa garden. Like I said parang nasa palasyo ako. May iilan akong nakitang butterfly at rabbit. Meron rin ibon! Wow. Nalibang ako sa view dito. May wooden benches rin dito at may mini pond rin. May nasa gitna ang greenhouse. Hindi na ako tumagal pa  kinuha ko ang hose saka diniligan ang iba't ibang klase ng mga halaman at bulaklak. Masaya ako sa ginagawa hindi nakakapagod actually parang nakaka walang pagod.






Habang dinidiligan kumakanta ako ng 'bubuka and bulaklak papasok ang reyna' sabi kasi ng iba pag kinantahan mo raw ang bulaklak mabilis itong mag bubunga.


 

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagdidilig may narinig akong boses ng kabayo. Malapit lang sa pwesto ko. Kunot ang noo ko. Pati ba sa garden may kabayo? Baka unicorn? Sumunod ulit ang tili ng kabayo kaya na curious na ako. Pinatay ko ang hose saka sinundan ang boses ng kabayo. Dinala ako sa isang daan. Nagulat pa ako dahil may daanan pala sa likod ng garden. Pumasok ako dito at naglalakad papunta sa likod ng garden.




Ngunit napahinto ako nang makapunta sa likod dahil sa naabutan. It's Maui. Pinapaliguan ang itim niyang kabayo. Siya lang ang mag isang nandito wala yung apat. Natural na libod na talaga ito dahil sa likod ng garden medyo gubat na.




Taming The Wild (Del Galiego Series#1)Where stories live. Discover now