Chapter 12: Elevator

21.5K 533 263
                                    

Chapter 12: Elevator

BINUKSAN ko ang pinto ng bago kong kwarto. Kwarto na binigay sakin ni Ma'am Eli yung pina renovate niya. Halos kapareho lang ito ng kwarto ni Maui pero mas mini version ito. Ang cute nga.

Hindi ko alam bakit niya sakin ito binigay. Dating office raw ito ni Ma'am Eli binago lang para gawing kwarto ko. Hindi na daw nagagamit kaya binigay na sakin. Nakakahiya nga at ayaw ko sana tanggapin pero pinilit ako ni Ma'am. Kaya heto,dito na ako natutulog. Parang bahay ko na talaga ang mansion na ito at parang kapamilya na talaga ang turing sakin dito.

Matagal na rin since umalis si Donya at ang asawa at Kapatid ni Ma'am Eli sa mansion. At hindi ko inaasahan na sasama si Tash. Para mag trabaho na at sa susunod na buwan susunod na si Kleya. Patapos na ang bakasyon nila dito at magkakawatak watak na silang magpipinsan. Matirira lang ata dito si Maui at Penelope.

Iniisip ko na nagawa ni Tash na umalis dahil para maka move on kay Tina. Si Tina naman nag bago na rin. Hindi na siya pala daldal at minsan na lang tumungo sa mansion dahil inaalagaan ang Inang may sakit sa bahay nila. Kaya ako ang naiiwan mag isa sa mansion. Kaya madalas maka isa sakin si Maui. Tsk.

BINAGSAK ko ang katawan sa malaking kama dahil sa pagod. Hanggang sa nakatulog ako.

******

"Hello po! May kailangan po ba kayo?" Sabi ko sa isang babae one time na naabutan ko ulit siya sa gate.

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakasuot siya ng Hoody jacket. Eh! ang inti! She's wearing a sunglass too kaya ang hirap kilalanin. Kanina ko pa siya natatanaw mula sa kwarto ko na nakatayo sa labas ng gate tumitingin sa loob ng mansion.

Umiwas siya ng tingin sakin at hindi nagsalita. Parang ayaw akong kausapin nito. Pagkatapos tumalikod siya. Pero agad kong binuksan ang gate saka siya mabilis na hinawakan sa siko para patigilin. Ewan ko bakit ko ito ginawa. Na curious lang ako. Kasi baka may masama itong balak o may plano mang himasok sa mansion. Ganun kasi galawan niya. Pang tatlong araw ko na siya nakita dito sa labas ng gate. Ngayon lang ako naglakas ng loob na kausapin siya.

"Ah, pwede ko ho ba malaman bakit po nandito kayo?"

Hindi agad siya nagsalit o gumalaw man lang. Nanatili lang siya nakatalikod sakin. Mas lalo tuloy akong nagtaka. I was about to ask her again when someone hold my wrist the one who's holding the lady's arm.

"Skye..tawag ka ni Ma'am Kleya,"

Bumaling ako kay Bomi na nakatingin sakin hindi parin ako binibitawan. Suminghap ako at tumango saka dahan dahan binitiwan ang pagkakahawak sa babae. Parang kasi gusto akong ipa-bitaw ni Bomi eh.

"Sige," tangi kong nasabi saka bumaling sa babaeng nakatalikod parin sakin.

Suminghap ulit ako saka tumalikod na at pumasok sa gate. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad pabalik sa mansion nang huminto ako at bumaling kay Bomi. Naabutan ko siyang kasama parin yung babae. Mukhang nag uusap? Magkakilala sila? Or baka kakilala ni Bomi. Siguro ang dahilan ng pagtingin nong babae dito ay dahil ata kay Bomi. Masyado lang ako naging OA.

Pumasok na ako sa loob para hanapin si Kleya na tawag ako. Naabutan ko siya nasa sala. Nakaupo sa malaking sofa. Bihis na bihis siya mukhang aalis. Wearing a blue fitted jeans and a white polo shirt crop top. Nakatali ang dark brown niyang buhok into a clean bun. Ang linis niyang tignan ngayon.

Habang papalapit ako sakanya napataas ang kilay ko dahil napansin ang katabi niya. Yung uniform! I mean yung pinagawa na uniform ni Ma'am Eli sakin! Nakabalot ito sa plastic. Kulay dark blue ang uniform. Actually ang dark blue lang ay ang blazer at skirt. Sa pang loob ay kulay puti na blouse at dark blue necktie. Nakita ko ang apelyido ko sa blazer. 'S.Savilla'

Taming The Wild (Del Galiego Series#1)Where stories live. Discover now