Chapter 11: Friends

18.2K 552 216
                                    

Chapter 11: Friends

"Ready?"

Ngumiti ako at tumango sakanya.

"Ready." Sagot ko.

Kasabay nang pagsabi ko nun ang pagpalo niya sa kabayo. Kumaripas ito ng takbo. Humigpit ang pagkakahawak ko harness ng kabayo natatakot na baka mahulog ako. Pero nakaalalay naman sakin si Maui. Hawak niya ang bewang ko gamit ang isa niyang kamay at ang isa naman hawak ang reins ng kabayo.

Sa shortcut kami tumungo. Sa Corn farm nila. Mainit ang panahon. Dagdagan pa ng suot naming sweater. Pina suot sakin ni Maui ang cowboy hat niya. Habang siya naka suot lang ng sunglass pang protekta sa mata niya sa araw.

Sa bawat daan namin sa pababa at pataas na lupa halos tuma-talbog ang katawan ko at natatakot na baka bigla akong mahulog. Samantalang si Maurice sa likod ko iba ang nararamdaman kong tuma-talbog. I felt her boobies everytime we went to a rough ground.

Habang tumatagal ang byahe namin nafefeel ko na familiar na ang tinatahak naming daan. Hanggang sa nakita ko ang matatangkad na puno at ang tunog ng falls. Then I realized we're heading to their Paradise.

"Wait!" Sigaw ko matapos biglang bumaba ni Maurice sa kabayo niya wala pa nga kami sa cabin house nila!

Kinabahan ako dahil baka biglang kumaripas ng takbo si Dakuta o biglang tumalon. Deretso meet and great kay God pagnagkataon.

"I'm not leaving you. I want to walk," aniya saka tinapik ang kabayo niya at nagsimula ng maglakad hawak hawak ang reins.

Humigpit ang pagkapit ko sa harness habang dahan dahan naglalakad ang kabayo palapit sa cabin. Siya ang nag cocontrol sa kabayo habang naglalakad sa gilid ko, ako naman nakasakay lang.

INALALAYAN ako ni Maurice bumaba sa kabayo pagkatapos tinalo niya ito sa kahoy malapit lang sa cabin.

Tumingin ako sa malaking cabin sa harap. Sabay buntong hininga dahil naalala ang mga ginawa namin dito. Mga sari saring mga ala ala.

"Bakit tayo nandito? Para solohin ako no?" Biro ko kay Maui matapos niyang lumapit sakin.

She raised her eyebrows at me judging me by her looks.

"You want to do it again huh?"

"Hehe..joke lang!" Sabi ko sabay hampas ng mahina sa balikat niya.

Natakot ako dahil napaka seryoso niya baka totohanin niya. Hirap pala mag biro sa taong ito. Hindi pa ako handa na makipag ano sakanya. Masakit pa ang perlas ng silangan ko.

"So bakit nga?" Sabi ko nang makapasok kami sa loob.


"You'll see." Aniya at kinuha ang kamay ko.

Umakyat kami sa ikalawang palapag ng cabin. Naalala ko na ang sungit niya ng makita ako na umakyat dito. Pinaalis ako na parang may bacteria akong dala. Ngayon siya na itong nagdadala sakin dito.

Pinaupo niya ako sa couch dahil may kukunin daw siya.

PINANOOD ko si Maurice na tumungo sa malaking bookshelf at may kinuha doon na isang box na hindi kalakihan.

Lumapit siya sakin saka tumabi sakin sa may sofa. Pinatong niya ang box sa hita ko.

"It's from Lola cory when she died I found it beside her..and I think I need to give it to you.."


Umawang ang labi ko at gulat na napabaling sakanya. She smile at bit to me. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Nagmamadali ko itong binuksan. Unang bumungad sakin ang kulay puting album na luma na.

Taming The Wild (Del Galiego Series#1)Onde histórias criam vida. Descubra agora