Chapter 24: It's Okay Not To Be Okay

11.2K 389 390
                                    

Chapter 24: It's Okay Not To Be Okay

"Bilis!" Sigaw ng may hawak sakin sa driver matapos akong maipasok.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nasa loob ng van. Naka itim na mask silang lahat. All of them wearing a black tshirt. Kita ko ang mga tattoo nila sa braso. The one who's holding me kanina ay isang babae. Limang tao ang nasa loob ng Van kasama na ang driver.

"Mission accomplished!" She said as she get off her mask.

Unang bumungad sakin ang itim niya buhok ay kulay pula ang dulo nito.Naka wolf cut siya and she's wearing too many piercing on her ears. Anim ata lahat. Tig tatlo sa bawat tenga niya. Tumitig ito sakin at pinagmasdan ako.

I feel uncomfortable in her eyes so i looked at the other guy who's now taking off his mask. He's young but masculine. Mestiso na singkit. Itim ang buhok at may hikaw sa labi. He lick his lips and he stared at me.

Sumunod naman ang natitirang dalawang lalaki. Unlike the two this men we're old. Tansya kong ka edad lang nila yung lalaking isa sa tauhan ni Tita Eli. The one who has a scar on his left eyes.

"Pretty cute huh," sabi ng babae at siniko ang katabing lalaki.

I swallowed hard.

"S-sino kayo? Saan niyo ako dadalhin? Anong kailangan niyo?"

Imbes na sagutin nila ako sabay sabay silang bumaling sa driver. Tumama ang tingin ko sa rear mirror. Dahan dahan umawang ang labi ko ng makilala sino ito.

"You're coming to your real family, Skye."

"Bomi?!" Gulat kong sabi. Naguguluhan ko siyang tinignan at umiling."Bomi!ibalik mo ako! Kailangan ako ni Maurice! H-hindi ko alam ang pinagsasabi mo!Please...hindi to' ang tamang oras para dito!"

Sinubukan kong buksan ang pinto pero wala dahil naka lock ito.

"Sorry Skye..but this is the right thing to do right now."

"Hindi ko alam ang plano mo pero mali ito!" Sigaw ko at patuloy parin binuksan ang pinto sabay hampas dito ng hindi ko mabuksan.

"Skye please stop! That's useless! Were just trying to protect you! From the Del Galiego's! Donya Imelda already know about you two and she will definitely hurt you!!And i won't let her do that to my cousin!!"

Natigil ako sa paghahampas ng pinto at dahan dahan bumaling ulit sakanya. Parang nabingi ako sa narinig. Hindi nag process ang sinabi niya.

"Anong sinasabi mo?" I ask.

She sigh.

" I'll tell you when we got there."

"Family suck right?" The red hair girl said. Then handed her hand at me."I'm Echo, anyway."

Hindi ako nakagalaw hindi alam ang gagawin. Dahil sa sinabi ni Bomi sakin.

"I think you're scaring her. I'm Elliot. We're Bomi's friends." The guy said and salute at me.

Tumango na lamang ako at napasinghap sabay baling kay Bomi na nakatingin sakin sa salamin. Unti unti bumalik sa ala ala ko ang mga nakaraan na nangyari samin. Tita Miranda's words to Tita Eli. Yung salitaan nila dati..unti unti na nabuo sa isipan ko.

Hindi kaya ako yun?

Ako yung tinutukoy nila?

Gulong gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam ano ang uunahin. Yung problema ko ba sa pamilya ni Maurice, o itong bago problema na iisipin. Ang gibat na sa ulo. Gusto ko umalis at balikan si Maurice pero wala akong magawa kundi ang sumama sakanila para malinawan sa lahat.

Taming The Wild (Del Galiego Series#1)Where stories live. Discover now