Chapter 8: Cold Night

18.5K 641 394
                                    

Chapter 8: Cold Night

NAKARATING kami sa bahay saktong nakauwi na rin si Anastasia. Kaya siya na ang nag bantay sa pinsan. Yung pinangako niya sakin na ibibigay raw ay tinotoo niya. Akala ko kung ano na yun pala pagkain lang. Galing Jollibee. Ginawa pa akong bata pero ayos lang naman sakin kasi may peach mango.

Nagulat pa si Tasia dahil magkasama kami ng pinsan niya na nagbantay kay Stella. Si Maurice agad na dumeretso sa kwarto niya para magpahinga. She looks really exhausted. Ganun din ako. Hindi tumagal dumating na rin ang mommy ni stella at kinuha na siya. Ayaw pa sana nito umalis dahil gusto pa raw kami makasama ni Maui. Mabuti napapayag ng mommy niya na umalis dahil babalik rin daw sila sa birthday ni Maurice.

"Ate Silya, ano hong ganap? Bakit ang inggay sa taas?" Tanong ko sa isang kasambahay na kakababa lang galing sa second floor.

Kakagising ko lang at naabutan na mainggay ang taas. Tunog ng mga pader at pokpok ng martilyo. Mukhang may construction na nagaganap sa taas.

"Ah, pina renovate ni Ma'am Liza ang isang kwarto na dating pag mamay ari ni Sir Skieandro."

Napatango ako. Siguro yung isang kwarto na nasa kabilang pasilyo. Bale kasi may dalawang kwarto pa. So yung isa pala kay Sir Skieandro sa daddy ni Maui. I wonder bakit pina renovate.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad para hanapin si Tina. Para sabay kami mag trabaho. Dumating ako sa kusina, sala at labas at likod ng bahay pero hindi ko siya nakita. Siguro hindi pa pumupunta dito baka nasa bahay pa nila. Kaya bumalik ulit ako sa loob para kumain muna.

Nasa kusina na ako nang bigla akong tawagin ni Manang.

"Skye! Nandito ka lang pala. Mag bihis ka dahil aalis kayo ni Ma'am Eli,"

"Ho? Saan po?"

"Hindi ko alam, sige na naghihintay na sayo si Ma'am sa sala." Aniya at tinuro na ang kwarto ko.

Tumango ako at dali daling tumakbo sa kwarto ko. Hindi ko alam saan kami pupunta ni Ma'am. First time kong ayain niya. Hindi ko ito inaasahan.

Nagbihis lang ako ng fitted pants at black cardigan partner sa sandal. Lahat ito galing sa pag shopping namin nina Kleya at Maurice. Naglagay lang ako ng lipbalm saka pulbo. Tinali ko lang ang buhok ko. Nakakahiya kung hindi ako mukhang tao pag kasama si Ma'am. Nakakahiya. Saka mas lalong nakakahiya kung nakapang Manang outfit ako habang si Ma'am nakapang dalagang porma. Ako pa ang nagmukhang may Anak na.

Naabutan ko si Ma'am Eli sa sala. Nakaupo mukhang hinihintay ako. Yun nga lang parang malalim ang iniisip niya. Sana hindi ko siya pinag hintay ng matagal.

She's wearing a black floral dress. Naka clean bun ang buhok niya. Ang make up na suot bagay lang sakanya. Ang gara niyang tignan dahil may suot siyang yayamanin na jewelry.

Tumikhim ako nang makalapit sakanya para kunin ang atensyon niya. Ngumiti ako sakanya nang bumaling siya sakin. She smiled too. Pinagmasdan niya ako.

"You're..pretty," she looks proud.

I was amused.

"Naku, Ma'am hindi ko kayo papatalo," pagbobola ko.

"You're funny, so let's go?"

Tumango ako sakanya. Na werduhan ako kay Ma'am Eli dahil hindi na nawala ang ngiti niya sa labi. Parang hindi siya nag sasawa na pagmasdan ako. Alam ko naman na maganda ako pero ayaw ko naman mag assuming na bet ako ni Ma'am Eli. Naku!

Naghihintay na samin si Kuya Raf sa labas habang nakasandal sa kotse. He's wearing a white polo shirt at naka clean ang buhok. Parang si jose Rizal modern version. Pero gwapo ah!

Taming The Wild (Del Galiego Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon