Chapter 19: Tired

15K 456 200
                                    

Chapter 19: Tired

DAHAN DAHAN kong pinadaosdos ang daliri ko sa madulas na buhok ni Maui. Nakahiga siya sa hita ko habang nakaupo ako dito sa lounge sa balcony ng kwarto ko. Matapos namin sa ginawa sa loob ng kwarto dito kami nagpahinga. Of course naligo muna kami at nagbihis.

"What did Tita talk about?" Bigla niya pagsisimula sa usapan.

Nakayuko ako sakanya at siya naman ay nakatingin sakin. Napalunok ako at natahimik ng ilang segundo nago napagdesisyunan magsalita.

"Uhm..binigyan niya ako ng pitaka puno ng pera...at cards at-"

"What?! Really?" Her brows furrowed, she shook her head. And look at me with her deadly stare. "Hey...hindi ka naman sugar baby ni Tita right?"

Sa sinabi niya at mahina ko siyang pinitik sa noo na ikinangiwi niya.

"Sira! Hindi a!"

"Alright, maybe she's just being nice to you. Y'know you're Lola Cory's Grand daughter."

I sigh as I continue combing her hair.

"Hindi lang yun...Sinabi niya sakin na 'Tita' na lang ang itawag ko sakanya at simula ngayon parte na raw ako ng pamilya niyo..."

Ngumuso siya at mukhang napaisip sa sinabi ko. Hangang sa bigyan niya ako ng mahinang tawa.

"Damn..Tita went too much, huh. I like her idea anyway.You deserve it. But she don't need to give you that, I can give you everything you want."

Hinawakan niya ang kamay kong nilalaro ang buhok niya. Nilapit niya ito sa labi niya at hinalikan ang palad ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Mukhang ikaw ata ang magiging sugar mommy ko." I joked and we let out a laugh.

MAAGA akong naging kinaumagahan. Around four. Mahimbing ang tulog ni Maurice sa tabi ko pagkagising ko. She slept here with me. Tinamad na raw siya lumabas sa kwarto ko kaya dito na natulog.

Humalik ako sa noo niya bago umalis sa kama. Tumungo ako sa bathroom para mag hilamos pagkatapos ay tumungo ako sa gym. Dahil sa ginawa namin ni Maui na pag training ay nakasanayan ko na ang mag gym.

Nagbuhat lang ako ng dumbbells at matapos ang 20 minutes tumungo ako ng treadmill and the last is the punching bag. Nagpapawis lang ako.

After that I went to the kitchen to help manang to cook. Naabutan ko siya doon naghahanda na ng almusal. Na amoy ko agad ang mabango amoy ng longganisa. Naglalagay na siya ng plato sa mesa. Lumapit ako sakanya.

"Ako na ho jan." Sabi ko sabay hawak sa plato na hawak niya.

Napahinto siya at bumaling sakin.

"Oh Skye-teka ako na dito. Maupo ka na lang jan at ipaghahanda na kita ng pagkain." Aniya at pinaupo ako, ipaghahanda na sana ako nang pigilan ko siya.

"Wag na po. Ako na lang Manang-"

"Sige na. Bilin ito ni Eliz."

Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Ma'am eli words. I mean Tita Eli. Nakakapanibago. Sineryuso niya talaga ang sinabi kagabi.

Napabuntong hininga ako at napatingin kay Manang na pinagtitimpla na ako ng kape at ng almusal ko. Gusto ko tumulong sakanya dahil nakakahiya pero mukhang ayaw niya talaga ako patulogin.

Hindi ako legit na Del Galiego at umasta na lang na parang amo. Hindi ko talaga natiis kaya tumayo ako at lumapit sa niluluto niyang steak sa frying pan. Since busy siya sa pagtitimpla ng kape hindi niya namalayan ang ginawa ko.

Taming The Wild (Del Galiego Series#1)Where stories live. Discover now