Chapter 21

790 23 0
                                    

Tama nga ang sinabi nila na tatlong gubat ang madadaanan namin. Madali lang ang paglakbay namin ng nasa Fairyland Forest at Greenwood Forest pero ng nasa Whitewood Forest kami ay medyo natagalan kami dahil sa kapal ng snow at sobrang lamig pa. Kaya pala nakajacket silang lahat at mabuti na lang at naisipan rin naming magjacket ni Keira. Ng makalabas kami ng gubat ay halos dumidilim na kaya naisipan muna naming magpalipas ng gabi sa labas ng gubat bago magpatuloy sa Darkwood Forest.

Naubos na rin yung sandwich na binigay ko at mabuti na lang na binigyan kami ng mga fairy mga prutas bago kami makalabas ng Fairyland. They set a bonfire in the middle kasi masyadong malamig ang hangin.

"Matulog na kayo", sabi ko.

"Pero kailangan na may magbantay dahil malapit na tayo sa teritoryo ng mga kalaban", saad ni Mark.

"Ako na lang since hindi pa naman ako inaantok", sabi ko.

"Sure ka?", tanong ni Keira.

"Oo", sabi ko.

"Sige at kapag inaantok ka na gisingin mo kami o hahit sino sa amin para may magpapalit na magbabantay", saad ni Shana.

"Sige", sabi ko.

Humiga na sila para matulog. Habang natutulog sila ay nilalaro ko ang apoy para hindi maantok. Mga ilang oras ko ring nilalaro ang apoy at nakakaramdam na ako ng antok. Biglang lumakas ang apoy at nakita ko na pinalakas pala ito ni Kaden.

"You should sleep", saad nito.

"Uhm mamaya na", saad ko.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. He started playing with fire. I just watch him doing it until I can't take the sleepiness so I close my eyes.

"Oh what a sweet view", rinig kong sabi ng isa sa kasamahan namin at parang boses ata yun ni Agua.

"Yeah right, they look so sweet", saad naman ng isa at mukhang si Ivy.

"Baka naman dalawa sila ang nagbantay kagabi", saad ng isa at parang boses ni Keira.

"Sabi ng gisingin tayo eh", saad naman ng boses ni Shana.

"Baka naman nakalimutan lang nila", saad naman ng boses ni Icy.

"Oh ano titigan niyo lang sila", saad ng boses ni Josh.

"Sige gisingin mo nga", saad ng boses ni Agua.

"Baka naman inaantok pa talaga sila", saad ng boses ni Zacc.

"Huwag mo ng sirain ang araw ng isa", saad ng boses ni Mark.

"Hayaan muna natin silang matulog", saad ng boses ni Axele.

"Tama si Axele kung ayaw niyong matutsa", saad ng boses ni Thunder.

"Oh how sweet! Leaning their heads on each other", saad ng boses ni Keira.

Nagising ako dahil sa naririnig kong sinasabi nila. Minulat ko ang mata ko only to see them looking at me.

"Ganda ng tulog mo ahh", saad ni Keira.

Naramdaman ko na gumalaw yung katabi ko kaya napatingin ako. Nalaman ko na nakapatong pala ang ulo ko sa balikat niya. Biglang akong tumayo kaya nahulog yung nakapatong na jacket sa akin. Nakita ko na naka t-shirt lang ito kaya pinulot ko ang jacket. Binigay ko ito sa kanya dahil malamig pa rin ang ihip ng hangin. Kinuha rin niya ito at tumayo at tiningnan ng masama ang mga kasamahan namin.

"Lets go", sabi nito at naglakad paalis.

Pinatay na nila ang apoy at nagsimula na kaming maglakbay ulit. Dumaan kami sa isang field na puno ng matataas na damo na hanggang sa ulo namin.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now