Chapter 57

470 17 0
                                    

Habang naghihintay kami ay ikinuwento ni Keira kung paano ko siya turuan magbake. Gusto pa nga nila Shana na magpaturo din kaya sinabihan ko sila na kapag wala kaming ginagawa ay tuturuan ko silang magluto. Ilang sandali ay dumating na rin sina tita Ashley at tito Kendrick. Nagsimula na kami sa pagkain at pagkatapos nun ay lumabas na kami ng palasyo dahil uuwi na kami.

Tanghali na nung dumating kami sa palasyo. Nagpahinga muna ako sa kwarto ko at ganun rin ang iba. Nagbasa lang ako ng libro at napagisipan ko na sa garden na lang magbasa kaya lumabas ako at pumunta sa garden. Umupo ako sa swing at nagpatuloy sa pagbasa hanggang sa naramdaman ko na may tumutulak nito. Isinara ko yung libro at tiningnan kung sino yung tumutulak at si Kaden lang pala.

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko.

"Pinuntahan kita sa kwarto mo pero wala ka kaya pumunta ako rito dahil baka sakaling nandito ka", saad nito.

"Ganun ba, halika ka rito", saad ko at binigyan siya ng space sa swing para makaupo siya sa tabi ko.

Umupo siya at niyakap ako. Hindi naman kami nag-usap pero napakakomportable lang ng katahimikan. Tinutulak niya yung ground para gumalaw yung swing.

"I promised that I will protect with my life", saad nito.

"Don't worry, nothing bad will happen to me", saad ko.

"We are going to train tomorrow", saad nito kaya tumango lang ako.

"Eh kahit nagsasanay kami, naka-dress pa rin kami?", tanong ko.

"Hm para kahit anong oras kaya mong lumaban naka-dress ka man o hindi", saad nito.

"Okay", saad ko.

Nanatili kami sa garden hanggang sa lumubog ang araw bago pumasok sa palasyo. Kumain na lang kami ng hapunan at pumunta sa kwarto para magpahinga dahil bukas ng umaga ay magsisimula na kaming magsanay.

----

Nagising ako ng maaga para makapaghanda. Nakasuot ako ng grey na may halong black na dress at boots. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina para maghanda ng pagkain. Eksaktong tapos na ako sa paghahanda ng pagkain ng pumasok sa kusina si Kaden.

"Good morning", saad nito at niyakap ako.

"Good morning rin", saad ko.

Dinala na ng mga katulong yung pagkain sa dining table. Sumunod naman kami sa kanila at nakita namin na nandun na pala ang mga kaibigan namin pati ang mga magulang ko.

"Good morning mom, good morning dad", bati ko sa kanila.

"Good morning rin anak", bati nila pabalik.

Umupo na kami at nagsimulang kumain dahil magsasanay kami ngayon. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami ng ilang minuto at pumunta na rin sa training grounds. I was amazed dahil napakalaki nito. May area kung saan pwedeng magsanay ng pana at may area rin kung saan nakalagay ang mga weapons na pwedeng gagamitin.

Naghanap kami ng pwesto at magkasama kami ni Kaden sa gitnang bahagi. Tinuruan niya akong magpalabas ng apoy at kung ano-ano pa. Madali ko lang rin naman ito natutunan kaya naglaban kaming dalawa. Hindi ko ginamit ang yelo ko at pinalabas ko na lang yung dagger ko. Nagpahinga lang kmai saglit at nagpatuloy ulit sa pagsasanay hanggang sa lumubog ang araw.

Ganyan ang ginawa namin araw-araw at alam ko na kung paano kontrolin ng tama ang lahat ng mahika ko maliban sa destruction dahil kapag sinusubukan kong palabasin ang kapangyarihan na iyon ay hindi nila kayang pigilan. Alam ko na rin kung paano gumamit ng iba't ibang weapons.

Isang linggo na lang at kaarawan na namin kaya nagsisimula na sa paghanda ang mga katulong sa pagdidisenyo ng palasyo. Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagbibihis dahil sabi sa akin ni Keira kagabi ay lalabas kaming dalawa at sasakay sa pegasus. Nagsuot ng cream na long dress at pinaresan ko ng silver heels. Nagsuot na rin ako ng white cloak dahil plano naming lumabas na hindi magpaalam dahil kailangan may kasama kang kawal kapag lalabas ka. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at tiningnan muna kung may tao o wala bago pumunta sa silid ni Keira.

Nakahanda na rin siya at nakasuot siya ng golden long dress at gold na heels. Nakasuot rin siya ng yellow cloak.

"Tara na", saad nito.

Pumunta kami sa malaking bintana at binuksan niya ito. Medyo mataas at paniguradong mababalian ako kapag nahulog pero naunang lumabas si Keira kaya sumunod na ako. Humawak ako ng mabuti sa lubid na itinali ni Keira at pagkalabas ko ng bintana ay isinara ko muna ito. Naabot ko na ang lupa kaya ginawa kong invisible yung lubid para magamit namin mamaya pagbalik namin.

Pumunta kami sa likod ng palasyo kung saan nila nilalagay ang mga kabayo at pegasus. Pinili ko yung may kulay bahaghari ang buhok habang si Keira naman ay pinili yung may halong ginto. Dinala namin ito palabas hanggang sa makarating kami sa labas ng palasyo. Ng makalayo na kami ay agad kaming sumakay dito at lumipad pataas.

Pumunta kami sa iba't ibang lugar at mabuti na lang dahil may dalang pagkain si Keira at sinabi pa niya sa akin na patago niya itong kinuha sa kusina. Habang nasa himpapawid kami ay may nakita akong isang bundok na kulay lila at asul na nahahaluan ng iba pang kulay.

"Hey, lets go there", saad ko sa kanya at pinalipad papunta doon ang pegasus.

Bumaba kami at naglakad paakyat ng bundok habang sumusunod naman sa amin ang mga pegasus. Napakaganda ng bundok dahil sa kulay nito. Napahinto kami ng biglang may narinig kaming kaluskos at mukhang nanggaling iyon sa likod ng malaking bato. Dahan-dahan kaming lumapit dito at nagulat ako ng biglang may lumabas na dalawang hayop.

"What's that?", tanong ko kay Keira.

"Ahm it looks like a baby dargon", saad nito.

"Huh? What do you mean?", tanong ko dahil kung dragon yan it means nasa bundok kami kung saan maraming dragon.

"I think we have to go", saad niya at tatalikod na sana ng biglang pumunta sa kanya yung baby dragon na kulay ginto.

Hindi ko rin inaasahan na lalapit sa akin ang isang dragon na kulay bahaghari.

"What the heck", bulalas niya.

"Baka naman gusto nila tayo", saad ko.

"Don't tell me they are our protector", saad niya.

"Anong ibig mong sabihin?", tanong ko.

"Once na may isang mythical creature na lumapit sa iyo na baby pa lang sila, ibig sabihin nun protector natin sila", saad nito.

"At wala tayong magagawa kundi ang dalhin sila", dagdag pa niya.

"Edi dalhin natin sila", saad ko at binuhat yung babay dragon.

"Tara na", saad ko at sumakay sa pegasus.

Ganun rin ang ginawa niya kaya bumalik na kami sa palasyo.

Moonlight Academy: School of MagicOn viuen les histories. Descobreix ara