Chapter 54

518 15 0
                                    

Maaga akong nagising at naligo dahil napagdesisyunan ko na tumulong sa paghanda ng pagkain sa kusina. Nagsuot ako ng pulang dress na hanggang sa gitna ng binti ang haba na may itim na ribbon sa bewang. Pinaresan ko ito ng pulang heels. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok at bumaba na ako. Pumunta ako sa kusina at naabutan ko doon ang mga katulong na naghahanda ng pagkain kaya lumapit ako sa kanila.

"Magandang umaga po mahal na prinsesa", bati nila.

"Magandang umaga rin sa inyo", bati ko pabalik.

"Gusto ko sanang tumulong", saad ko.

"Huwag na po mahal na prinsesa", saad ng isa.

"Huwag kayong mag-alala marunong akong magluto", saad ko.

Ayaw pa sana nila pero mapilit ako kaya wala silang magawa kundi ang hayaan ako. Gumawa ako ng sandwich, cookies, cupcakes at muffins na chocolate flavor. Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa sala at naabutan ko doon ang mga babae kong kaibigan.

Keira wears a dark yellow puff up sleeves dress na above the knee at heels na kulay ginto. Ivy wears a light green dress na may malaking ribbon sa likod at heels na light green rin at may ribbon sa unahan. Icy wears a light blue off shoulder dress na hanggang binti ang haba at light blue heels na may ribbon sa unahan. Agua wears a dark blue dress na above the knee at dark blue rin na heels. Shana a simple black dress na above the knee rin at black heels.

"Hi guys", bati ko sa kanila.

"Maaga ka rin pa lang nagising", saad ni Keira.

"Oo kasi gusto kong tumulong sa pagprepare ng breakfast", saad ko.

"Hindi mo na kailangang gawin yun", saad ni Keira.

"Hindi ako sanay", saad ko.

"Nga pala, sa tingin niyo sino yung babaeng nagugustuhan ni Axele?", tanong ni Icy sa amin.

"Hindi ko alam", saad naman ni Ivy.

"Wala akong idea", saad naman ni Shana.

"Eh ikaw Francine, alam mo?", tanong ni Agua.

"Hindi dahil wala namang sinabi sa akin si Axele", saad ko.

Syempre pangako ko kay Axele na hindi ko sasabihin kaya tutuparin ko yun hanggang siya na mismo ang umamin.

"What about we ask the boys", suhestyon ko.

"Tama, mamaya tatanungin ko si Thunder", saad ni Icy.

"Ako naman magtatanong kay Zacc", saad ni Shana.

"Tatanungin na lang natin sila kapag magkasama sila", saad naman ni Agua.

"Oo para mabilis", saad naman ni Ivy.

"Sama ka Keira?", tanong ko rito.

"Oo naman", saad nito.

Mabuti na lang at tapos na ang topic namin na iyon ng dumating sina Axele at ang iba pa.

"Mukhang ang saya niyo ah", saad nito.

"Maganda lang ang tulog", saad ko.

Umupo sa tabi ko si Kaden at hinawakan yung buhok ko. Naramdama ko na inaayos niya ito kaya hinayaan ko na lang siya.

"Mukhang may pinaplano kayo", saad ni Mark.

"At ano naman yun?", tanong ni Ivy.

"Oh baka pinag-uusapan niyo kami", saad ni Josh.

"Ang hangin mo", saad ni Agua.

"Baka naman na realize mo na may gusto ka sa akin", saad nito.

"Asa ka", saad ni Agua.

"Sure ka? Mukhang apektado ka ah", saad nito.

"Napakahangin mong gago ka", saad ni Agua at tinapunan ito ng tubig. Mabuti na lang at naka-iwas kaagad si Josh.

"Tsk! Magsabi nga kayo ng totoo", saad ni Shana.

"Nahahalata kayo", saad naman ni Icy.

Napatigil silang dalawa kaya nagkatinginan kaming lahat. Ngumiti lang ako dahil mukhang pareho kami ng iniisip.

"Oh bakit ang tahimik niyo?", tanong ni mom na nandito na pala.

Kasama niya ang iba pang mga hari at reyna kaya isa-isa namin silang binati.

"Eh eto kasing dalawang to, ang aga-aga nagbabangayan", saad ni Axele.

"Eh ganun pala, bakit ang tahimik niyo?", tanong ni tita Jessica.

"Si Shana at Icy kasi eh", saad ni Keira.

"May sinabi", dagdag pa nito.

"Oh, ganun ba", saad ni tita Alianna.

"Tara na at kumain na tayo", saad ni dad.

Pumunta na kami ng dining area para kumain. Magkatabi kami ni Kaden at nakita ko na tinitingnan ako ng mabuti ni tita Ashley.

"Your hair is so beautiful, who did that", tanong ni tita Ashley.

"I did it", saad ni Kaden.

"Bakit po? Ano pong ayos niya?", tanong ko.

"It was braided pero mukhang ginawang rosas yung buhok mo", saad nito.

"Ahh ganun ba", saad ko.

"I never know that you can make someone's hair, son", saad ng ama nito.

"You know him, he always hides everything from us", saad ni tita Ashley.

Wala man lang sinabi si Kaden kaya nagsimula na kaming kumain. After that ay pumunta kami sa sala dahil alas otso palang.

"Dear daughter, why are you not wearing a crown?", tanong ni mom.

"Eh sina Axele hindi rin nagsusuot", saad ko.

"Ayos lang sa aming mga lalake na hindi magsuot ng korona araw-araw pero ikaw ay dapat na magsuot nito kaya nga maraming korona sa kwarto mo", saad ni Axele.

"Eh sila hindi rin nagsusuot", saad ko sabay turo sa mga kaibigan ko.

"Dahil wala kaming korona dito", saad ni Shana.

"Oh, but-", napatigil ako ng nagsalita si mom.

"Kailangan mong magsuot ngayon lalo na at kasama mo kami", saad nito.

"Okay", sabi ko na lang at pumunta sa kwarto ko.

Sumama na rin sa akin ang mga babae kong kaibigan dahil gusto nilang makita ang kwarto ko. Pagkarating ko ay agad akong magtungo sa shelf na gawa sa glass dahil doon nakalagay ang mga korona. Pumili na lang ako ng simpleng korona kaya kinuha ko yung isa na may disenyo ng mga diamonds na hindi masyadong marami ang designs. Tinulungan ako ng mga kaibigan ko sa pagsuot nito at pagkatapos nun ay bumaba na kami.

Pagkarating namin ay nagkukwentuhan sila at makita bila kami ay agad na lumapit sa akin si mom.

"Look my dear, you looks so beautiful with the crown", saad nito.

"Thank you, mom", saad ko at nginitian siya.

"Keira dear, sa susunod magdala ka dito ng korona na galing sa kaharian mo para pati ikaw ay magsuot rin ng korona araw-araw", saad nito kay Keira.

"Yes po, mom", saad ni Keira.

"So tara na", saad ni dad.

Lunabas na kami ng palasyo at nakita namin na may naghihintay na labing-anim kalesa na may tig-dadalawang pegasus na nakatali dito.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now